Isa sa mga kamag-aral nina Jacob at Natasha si Wesley. Madalas itong mapag-isa at hindi nakikihalubilo kung kani-kanino. Matalino namang bata si Wesley, kaya lang mababa ang self-esteem niya dahil sa pisikal na kaanyuan. Kumpara sa ibang senior high school student, si Wesley ay payat at halatang sakitin. Maraming insecurities sa sarili at hindi gaanong pinapansin ng karamihan. Dahil dito, mas lalong nawala ang tiwala niya sa sarili nang tumungtong siya ng high school. Noong una, masayahin naman siya. Nakikipaglaro sa mga kaklase at nakikihalubilo sa karamihan. Pero nang unang tumungtong siya sa sekondarya ay halos mag-iba ang pagtingin niya sa sarili. Unti-unti siyang nawawalan ng importansya sa mga bagay na nakapaligid sa kanya. Nagsimula ito noong unang araw niya bilang j

