"Students, welcome to the Teachers' Camp," isang malugod na wika ni Mr. Arsenal—isa sa mga guro. Siya ngayon ang naka-assign na magbantay sa mga bata para sa kanilang immersion. At ang Teacher's lol ang napili nilang lugar kung saan sila mamalagi ng ilang araw. Karamihan sa mga bata ay namangha habang ang iba naman ay halata na ang takot. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang lugar na iyon ay pinamumugaran ng iba't ibang masasamang elemento. "Hindi ba kayo natatakot?" Ito kaagad ang unang tanong ni John kay Jacob at Natasha. Hawak ang strap ng traveling bag niya ay mahahalata sa mga mata nito ang kaba. Bakit naman kasi dito pa nila napiling mag-stay? "Hindi ako sigurado sa lugar na ito." Gaya ni John, halos ikut

