“What?” bulalas ni Phoenix. Anong titigil ang sinasabi ni Vance? Nagsisimula pa nga lang sila. That kiss held so much promise and she wanted that promise to be fulfilled. Hindi ito pwedeng tumigil ngayon. Itinaas ng binata ang isang kamay at itinukod ang siko sa kama. Animo’y gusto nitong magkaroon sila ng distansiya. Maang lang siyang napatingin dito. Siguro ay hindi ganoon katindi ang atraksiyon na nararamdaman nito sa kanya gaya ng sinasabi nito at inaakala niya. Ipinilig niya ang ulo. Hindi – iba ang sinasabi ng katawan nito. She could feel his erection sporting his pants. “H-Hindi ako maintindihan. M-May ginawa ba akong mali?” kinakabahan niyang tanong. Naramdaman niya na parang tinutupok siya ng init na di pa rin humuhupa. Parang nakakapasong apoy ang bawat salita nito na ala

