Pagod at nanlilimahid ang pakiramdam ni Phoenix nang ibaba siya ng motorsiklong naghatid sa kanya sa beach ng Las Cabañas. Wala na siyang lakas para sa kahit na ano. Binuksan niya ang pinto at tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makitang nakahiga sa sofa si Vance at mahimbing na natutulog. Nandito siya! She realized that she was holding her breath. Marahan niya itong nilapitan. He looked so tired. Two weeks mula nang huli niya itong nakita. Dalawang beses sa isang buwan ay pumupunta ito sa El Nido para makita siya. Nang nakaraan ay may business trip ito para sa Singapore kaya hindi siya nito nadalaw. And she missed him so terribly. Akala niya ay matatagalan pa bago ulit niya ito makita. But he was here. Hindi niya napigilan ang sarili na kintalan ng halik ang labi nito. Nang hindi ito

