HINDI maalis ni Phoenix ang tingin kay Vance habang kalong ang anak ni Rosalinda kay Nelson na si Fina. Dinalaw nila ang mag-ina sa ospital. Ang alam niya ay si Vance tumiyak na maaalagaan ang mag-ina. Pero di niya inaasahan ang tagpong ito na magpapalambot ng tuhod niya. Nang umiyak si Fina ay nagpaturo si Vance kung paano magkalong sanggol. Then she heard him hum a song. His voice had a low timbre, soothing and heart-melting. Kahit sinong babae ay matutunaw ang puso kapag narinig iyon. Tumahan agad si Fina sa unang nota pa lang ng paghimig ng lullaby ni Vance. She totally didn't expect this. Parang di bagay sa image nito na mag-alaga ng bata at maging ama. "Nagpa-practice ka na sa pagiging tatay?" tanong ni Rosalinda. Nakangiting tumayo si Vance. "Oo. Sa palagay ko malapit na akong

