Nakatulala si Phoenix habang nakasakay ng bangka pabalik ng bayan kasama ang buong excavation team. Umaalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ng kasamahang si Genessa sa isa sa mga posibleng dahilan kung bakit masama ang pakiramdam niya, maselan siya sa pagkain, kakaiba ang trip kainin at laging naduduwal. Baka buntis siya. Buntis. Posibleng buntis siya. Lumulutang ang pakiramdam niya sa posibilidad na iyon at gumigiling ang isipan niya. Did Vance use protection? No. She didn't think so. Ang totoo ay wala siyang pakialam. How irresponsible of her. Hindi naman siya teenager na di nag-iisip pagdating sa s*x life niya. Pero naging iresponsable siya. Parang isa siyang addict noon. All she cared about was getting her next fix which was Vance. Siguro dahil wala siyang pakialam noon kundi

