Kakaiba ang tingin kay Phoenix ng mga kasamahan niyang archaeologist habang mag-isa niyang kinakain ang durian. Nakadistansiya ang mga ito sa kanya habang kumakain ng tanghalian. Hindi niya gusto ang amoy ng ulam ng mga ito lalo na ang sawsawan ng siomai na may garlic chips. Parang nasusuka siya sa amoy. Mabuti na lang at may dalang durian ang isang kasamahan nila na dumating mula sa Davao. Iyon lang ang mabangong pagkain para sa kanya. Sa halip na makikain ng siomai ay siya ang solo na pumapak sa durian. It was heaven. "Iyan lang talaga ang kakainin mo? Marami pang pagkain dito,” nakangiwing sabi ni Genessa at itinuro ang inihaw na isda at iba pa na nakahain sa mesa. Umiling siya at umismid. "Hindi ko type iyan. Ang sama ng amoy. Ito lang ang gusto ko,” sabi niya at kinikilig-kilig

