It was a bleak day. Kahit na matingkad ang sikat ng araw sa labas ay parang makulimlim pa rin ang panahon para kay Phoenix. Makulimlim pa rin ang paligid niya. Hindi pa rin niya matanggap na wala na si Mauricio. Ayaw sana niyang gumising kanina at bumangon sa kama. Ayaw niyang gumising sa kaalaman na wala na si Mauricio. Pero kailangan niyang humarap sa lahat para sa pagbabasa ng last will and testament ni Mauricio. Kailangan muli niyang harapin si Vance. Kung maari lang ay ito na ang huling beses na makikita niya ito. She just wanted to move on. Nakasuot na siya ng white ruffled long sleeve blouse at itim na pants. Nakasuot din siya ng South Sea pearl earrings at nakapusod na ang mahabang buhok niya. Subalit nakatitig lang siya sa salamin. Ni hindi nga niya magawang mag-make up. May k

