NAGLABASAN na ang lahat sa library maging si Attorney Munsayac pero naiwan pa rin si Phoenix sa loob. The world around her was bleaker than before. At nanlalamig siya na parang puno ng makapal na yelo ang silid. At tumatagos ang lamig na iyon hanggang sa kaluluwa niya. Devastate siya matapos ang lahat ng narinig niya sa pagbasa ng testamento. Hindi. Hindi ito nangyayari. Masamang panaginip lang ang lahat. Mariin siyang pumikit at pagdilat niya ay naroon rin siya sa library. And she knew that nothing changed in her predicament. Dumako ang mga mata niya sa portrait ni Mauricio na nakasabit sa dingding at nakangiti sa kanya. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito. Biktima siya ng masama nitong biro. "Tito, bakit ginagawa mo ito sa akin?" aniya at isinubsob ang palad sa mukha. Bak

