“GIVE me that dreamy look, Phoenix,” sabi ng photographer na si Isaac na nagha-handle ng pictorial ng kasal niya. “Isipin mo na parang isa kang prinsesa na hinihintay ng prinsipe mo sa araw ng kasal ninyo. Ang lalaking pinapangarap mo.” Kumunot ang noo ni Phoenix sa mga pinaggagagawa sa kanya ng photographer. Nasa loob siya ng silid niya at katatapos lang mabihisan at ayusan. Kanina pa siya kinukuhanan ng photographer sa bawat galaw niya. At hindi pa nangangalahati ang araw na iyon. May kasalan pang magaganap at tiyak na santambak na posing at projection na naman ang kailangan niyang gawin para magmukhang fairy-tale ang kasal na iyon. Ayaw na sana ni Phoenix pagdaanan ang komplikadong proseso ng kasal, ang mga wedding pictorial at kung anu-ano pa. Kahit ang magarbong gown na hindi niya

