Matapos ipagluto ni Phoenix si Vance at mananghalian kasama ito ay nag-swimming sila sa dagat. Sinamantala nila na hindi masyadong mainit ang panahon. Wala silang ibang inintindi kundi ang pagkain at ang paglangoy. Wala rin siyang ginawa kundi ang makipagkulitan kay Vance at makipagkwentuhan. Ikinuwento nito sa kanya ang tungkol sa karanasan nito sa anim na buwang pananatili nito sa El Nido pati na rin ang ibang interesanteng lugar na napuntahan na nito sa Pilipinas. Mas marami siyang nadiskubre sa karakter nito – kung gaano ito kagaling sa pagresolba ng mga problema at kung paano ito makisama sa mga tauhan. Gusto pa sana niyang i-enjoy ang company nito pero di rin niya kinaya ang pagod. Plakda si Phoenix sa pagkakahiga sa kama sa sobrang pagod at nakatulog. Sa sobrang sarap ng tulog ni

