“Ma’am Phoenix, mukhang masarap po ang niluluto ninyo,” sabi ni Doria, ang ang head cook sa mansion ng Villaviray. “Magugustuhan tiyak iyan ni Sir Mauricio.” Kahit na inaantok pa dahil gabi na siya nakauwi mula sa Palawan ay masigasig pa rin siya na magluto ng agahan. “Binili ko po talaga ang isdang iyan sa El Nido para sa kanya. May binili din akong isang kilo para sa inyo,” sabi niya at hinango ang luto nang danggit. Maaga siyang gumising para makipagbuno sa kusina. It was not her strongest skill, pero kaya naman niyang magprito ng danggit at itlog. “Salamat po, Ma’am. Matutuwa ang mga kasamahan ko nito,” sabi ni Manang Doria. “Pero huwag na ninyo kaming ipagluto. Nakakahiya naman.” Pero ang totoo ay istrikto ito pagdating sa kusina. Hindi ito basta-basta nagpapapasok doon. Hinayaa

