“Hindi na rin kami magtatagal,” sabi ni Janine Karla matapos nilang mag-dinner. “Kailangan na naming bumiyahe papuntang Vigan. Dadalawin ko ang family ko para makilala rin nila si James. Nagtatampo na ang lola ko dahil magpapakasal na daw ako nang hindi man lang ipinapakilala sa kanya ang pakakasalan ko. Saka miss ko na ang Vigan empanada. Gusto kong ipatikim kay James.” At saka nito kinindatan ang nobyo. Alam niya na bukod sa Vigan empanada ay may iba pang gustong ipatikim si Janine Karla kay James. Mahina kasi si James pagdating sa exotic food at nag-e-enjoy si Janina Karla na i-torture ito. “Basta magpakita bago kayo bumalik ng Egypt,” sabi ni Phoenix. Niyakap siya nito. “I am really excited for you and your new life. Pero mami-miss kita. Sobra.” “I will miss you, too.” Humikbi ito

