HINDI makatulog si Phoenix nang gabing iyon. Dapat ay mahimbing ang tulog niya dahil napagod siya sa pamamasyal sa Pico de Loro. Pero dilat pa rin siya at naguguluhan pa rin. Anong dapat niyang gawin sa kuwintas na padala sa kanya ni Maximo Pantaleon. Dapat ay ibalik niya iyon. Oras na malaman ng tiyuhin niya o ni Vance ay magagalit ang mga ito. Instead she was bothered. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mabigat ang dugo ng tiyuhin niya kay Maximo. If it was business, bakit masyadong nagiging personal? Hindi rin niya maintindihan kung bakit magaan ang loob niya kay Maximo. Kung ibang tao iyon na bago niyang kakilala at halos estranghero sa kanya ay baka hindi niya kausapin tungkol sa personal na bagay ni pansinin man lang. Ano ba talaga ito sa buhay ng nanay niya

