Hinding-hindi matatanggap ni Phoenix ang katraiduran na iyon. It was the ultimate betrayal. Para lang itago sa kanya ang katotohanan, bakit kailangan pa siyang paibigin ni Vance? Bakit kailangan pa siya nitong papaniwalain sa mahal siya nito? That’s why it was too good to be true. Mai-in love sa kanya ang isang playboy na gaya ni Vance? Pagsisilbihan siya nito na parang prinsesa? Na mas gusto pa siya nitong titigan kaysa sa nanalong Miss World? At sapat na ang simpleng katangian niya para mahalin nito at gustuhing magpakasal? It was a load of bull. Kalokohan lang ang lahat. Biglang tumayo si Vance. “Sandali. Iniisip mo na pinaikot lang kita? Na inutusan lang ako ni Ninong Mauricio para itago ang totoo kong pagkatao?” “Alam ko kung anong narinig ko!” puno ng hinanakit niyang wika kay V

