Nakatulala lang si Phoenix sa kisame ng ospital habang nakahiga sa hospital bed. Nasa paanan niya ang doktor na kinuha ni Vance para i-check up siya na si Doctor Priscilla Villamena. Isa itong OB-Gyne sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City. Kahapon ng tanghali sila dumating sa Manila mula sa El Nido. Sa Villaviray Mansion sila tumuloy at maghapon siyang di inabala ni Vance na nagpunta sa opisina para asikasuhin ang mga naiwan nitong trabaho nang magpunta ito para komprontahin siya sa El Nido. Umalis ito para maghanap lang ng kasagutan. Bumalik ito ng Maynila na magiging isang ama at asawa na. At gayundin naman siya. Parang normal lang ang lahat pero marami nang nagbago. Kinabukasan ay maaga silang umalis sa bahay. Idinala siya nito sa Taguig para sa doktor na pinili nito. May d

