Naestatwa sa kinatatayuan niya si Phoenix. Hindi siya makapaniwala na naroon siya sa isang mamahaling jewelry shop, mamimili ng engagement ring at wedding ring sa nalalapit nilang kasal ni Vance habang ito naman ay hinahalikan ng ibang babae. It was sheer torture. Parang pinapatay siya. Hindi naman kaila sa kanya na maraming babaeng naghahabol kay Vance. Marami itong naging fling. Noong bata-bata pa sila ay nakikita niya itong kasama lagi ang iba’t ibang babae. Pero hindi niya inaasahan na makikita niya na hahalikan ito ng ibang babae sa mismong harap niya. Nakaplastada pa ang katawan nito kay Vance. It was a nightmare. Parang magdidilim na ang paningin niya. Gusto niyang magbasag ng salamin nang mga oras na iyon. O kaya ay kuhanin ang fire extinguisher na nasa di kalayuan at ihampas sa

