Hannah's POV "NOT so close Howard." di ko namalayan na nakalapit na pala sa’min si Shield at inilayo niya ang ulo ni Elvin sa ulo ko na nakadikit dahil may pinapaliwanag ako sa kanya at parehas kami nakatingin sa libro. "C-Captain." mukhang natakot naman si Elvin. Ikaw ba naman ang makatanggap ng nakakamatay na tingin mula kay Shield, ewan ko lang kung di ka matakot. "Ganyan ka na ba kabobo Howard at di mo agad makuha ang tinuturo ng asawa ko?" pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi ni Shield. "’Yon oh!" sigaw ni Xevier. "Boomtamis!" sigaw din naman ni Tristan. "Kasalan na!" sigaw naman ni Alfred. At nagtawanan sila. Narinig pala nila ang sinabi ni Shield. "Asawa agad Captain? Di ba pwedeng girlfriend muna?" narinig kong sabi ni Johnny sa gitna ng tawanan

