Xevier's POV NANDITO kami ngayon sa basketball headquarters tahimik lahat walang nangangahas magsalita. Nakaupo lang si Shield at nakasandal ang ulo sa inuupuan niyang sofa habang nakapikit ang mga mata. Alam kong medyo pagod siya dahil nagkaroon kami ng biglaang practice game sa school na pinuntahan namin kanina. Pero iba pa rin ang aura niya. Nakakuyom ang mga kamay. Di pwede ito, kailangan mailabas na niya ngayon ang kung ano man ang nararamdaman niya. "Anong masasabi mo sa kasama ni Hannah kanina, Shield? Sino mas gwapo sa inyo?" biro ko. "Montereal wag ngayon." mahinang sabi ni Alfred. Kita ko ang takot sa kanya. Pero hindi ko siya pinansin. Ako ang higit na nakakakilala kay Shield. Dapat mailabas na niya lahat ngayon bago pa mahuli ang lahat at magdilim ang paningin niya at ma

