Shield's POV TULOY lang ako sa pagdadrive nang mapansin ko ang tatlong itim na sasakyan na kanina pa sumusunod sa amin. Tiningnan ko ulit ang side mirror, nag overtake ang isang kotse sa isa pang kotse. Teka parang tauhan ni tanda ang nasa isang kotse at kitang kita ko kung paano pinagbabaril ng mga lalaking sakay ng dalawang itim na kotse ang mga tauhan ni tanda. BOOOM!!! SCHREEEEEECCCHHH!!! Isang malakas na pagsabog at sagitsit ng gulong dahil sa biglang pagpreno ng mga sasakyan ang narinig ko. Tiningnan ko ulit ang side mirror. Damn!! Pinasabog nila ang mga tauhan ni tanda. Ano ba talaga ang kailangan nila? Napansin kong patuloy pa din ang pagsunod nila samin kaya binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse. Nilakasan ko din ang music sa loob ng kotse. Nilingon ko si Hannah na natut

