Chapter 2 Meet the Grumpy

2365 Words
(Blamore's POV) Galit at inis. Iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ewan at kung anong kabaliwan ang pumasok sa kukuti ng aking lolo at basta basta na lang akong ipapakasal sa babaeng ngayon ko lang nakita. "Blamore!? Son?" Tinawag ako ni Lolo kaya saglit akong huminto at nilingon ito. "What's wrong with you?" tanong nito. Paika-ika pa itong maglakad at naka-alalay naman ang tungkod nito. Bahagya akong tumawa ng mapakla. What's wrong with me? The heck with that question. Hindi pa ba lantaran sa mata niya kung ano ang ikinagagalit ko? "That's terrifically insane, Lolo. I don't want that girl to be my wife. What are you even thinking?" nag-hysterical kong sabi. "Why? What's wrong with Harley? She's perfectly good for you as a wife. She's adorable, gorgeous ang young." depensa ni Lolo. "Good as a wife?!" Parang di ako makapaniwala sa aking narinig. Saan banda magaling ang babaeng iyon? Napahilot tuloy ako sa aking sentido dahil biglang umatake ang migrain ko. "Eh, nakita 'nyo ba ang babaeng iyon? She's only good at dressing herself. She's probably a certified brat too. A little bit stupid! And…" "Enough!" si Lolo. Mukhang hindi nito nagustuhan ang katotohanang pinagsasabi ko. "Whether you like it or not, she will be your wife." deklara nito. Nilampasan na ako kaagad. "Paano kung ayoko?" Napahinto si Lolo sa tanong ko. Nilingon ako nito at bumuntong hininga. "Well, it's fine. Wala naman siguro akong mawawala kung ayaw mo. Hindi kita pipilitin." Ngumiti ito at tinuloy na ang paglalakad. Kumunot ang aking noo. "That's it?" Nagsimula na rin akong humakbang at sinabayan sa paglalakad si Lolo. "So, tapos na ang usapan natin sa wedding? We're not gonna talk about it again, right?" I asked. Tumango naman si Lolo na nakangiti. "Sure, son." sagot nito. "And by the way." Huminto ito. "Please, call Mr. Tailon." "Your personal lawyer?" bulalas ko. Tumango naman ito. "B–but why?" Bigla akong kinabahan. "To renew my will of testament." "W—woah! Wait! You're going to renew your w–what?" tanong ko. Naninigurado ako kung tama ba ang narinig ko. "I'm going to renew my will and I will make sure that all of my wealth will be donated to charity." I scoffed. "Are you kidding me?" Mariin kong pinisil ang bahagi ng aking ilong na nasa pagitan ng aking dalawang mata. "Is this a joke or a prank, Lolo? Kasi kung biro man ito hindi kayo nakakatuwa." "Do I look like I'm joking?" he asked Napabuga ako ng marahas at napapikit ng mariin. Pinipilit na kinakalma ang aking sarili. "How could you do this to me, Lolo?" mahinahon kong sabi. "So, paano na ako kung lahat ng ari-arian mo ay mapupunta sa iba? Naghirap din naman ako para mas lalong mapalago pa ang lahat ng negosyo nyo, diba?" "I know, son." sabay tapik niya sa balikat ko. "Huwag kang mag-alala, matalino ka naman at madiskarte. I know, someday you can build your own empire." Nagsimula na itong maglakad. Bahagya akong natawa na may halong inis. "And what do you mean by that again?" Muli itong huminto. "From today onward. You're no longer the CEO of my company. Your father will take over your position." tugon nito. Nag- patuloy na ito sa paghakbang. Natameme ako. What?! This is not good. Hindi ako nagpakahirap sa position ko para lang ibigay ito sa ama ko. Ang ama ko na kinasusuklaman ko ng sobra-sobra. "No! You can't do this to me." Nag-gagalaiti kong sabi. Mas binilisan ko pa ang bawat hakbang ko para mahabol ko si Lolo. "Lolo, please. Tell me, why are you doing this nonsense thing to me. What did I do wrong?" Saglit itong huminto at tumingin ng deretso sa mata ko saka ngumiti. "Wala kang mali apo. But—you could do one thing to change my mind." "What is it?" tanong ko. Sumilay ang pilyo na naman nitong ngiti sa kanyang labi. "Marry Harley and you could have everything that I have." deklara nito. "What?!" "Simply, right?" Kumindat ito sa akin bago tuluyang pumasok sa kanyang kotse. "Don't hesitate to give me a beep if you make up your mind." Sabi pa nito bago tuluyang umalis ang kotse na lulan siya. Naiwan naman akong tulala at napa-isip ng malalim. The heck I'm gonna be married to that woman. Eh, mukhang pagpapaganda lang ang alam nitong gawin. Besides, she looks like stupid too. And I hate slow, clumsy and stupid people. "Arggg!" Hindi ko napigilang mapasuntok sa ere sa sobrang inis. I don't have a choice either. Ayoko naman mapunta sa iba ang lahat ng nasimulan ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng blazer ko. Idinayal ko ang numero ni Lolo at mabilis naman niya itong sinagot. "Let me guess," bungad kaagad ni Lolo sa akin. Tumawa pa ito ng bahagya. "It's a yes, right?" anito sabay tawa. I inhaled sharply. "Okay, pumapayag na ako." Kaagad ko ng pinutol ang tawag after kong masabi ito. Sunod ay tinawagan ko na naman si Milo ang personal secretary ko. Milo was three years older than me. I'm thirty at thirty-three naman siya. Mahigit limang taon na rin siyang nagtatrabaho sa akin and he was the best among the hundreds of secretaries na dumaan sa kamay ko. He was really good in his job ngunit mukhang ako lang ang naka-pansin na may pusong p********e ito. Hindi kasi halata sa kanyang itsura pati pananamit. "Yes, sir?" ani nito sa kabilang linya. "I'm getting married." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. "P–po?! Hindi po kayo nagbibiro sir?" "Do I sound like I'm joking?!" singhal ko. "No sir! Hindi po!" Mabilis nitong tugon. "So? Bakit po kayo napatawag?" "Well, I want you to get everything you can dig about this woman named Harley Alvarez. I want every information about her. And…make sure, you don't miss any single detailed about her." "NOTED sir! I'll start right away." Ibinaba na nito ang tawag. **** Three days later…. Panay ang tingin ko sa aking relo at parang sira na rin ang hapon ko. Paano ba naman kasi ang usapan namin ay 2:00 P.M pero 2:30 na ay wala pa rin ang spoiled brat na babae na iyon. Pinaka-kinaiinisan ko pa naman ay ang paghintayin ako ng matagal. Tinawagan ko si Milo na naka-pwesto lang sa pinakamalapit na table sa pintuan banda ng coffee shop. Inutusan ko ito kanina na lumabas para tingnan kung dumating na ba ang babae dahil after one hour na wala pa siya dito ay uuwi na talaga ako. "Where the heck is she?" Bungad kong tanong. Ka-babalik lang rin nito galing sa labas. "She just arrived sir, papasok na po siya." si Milo. I hurriedly end the call. Mabilis kong inayos ang aking sarili at pag-upo ko. Kaagad naman siyang nahagip ng mata ko na pumasok. Nagtanggal ito ng itim na salamin sa mata. Luminga-linga sa kanyang paligid habang maingat na nilagay nito sa loob ng dalang bag ang itim nitong salamin sa mata. Nakakasiguro naman akong ako ang hinahanap nito kaya kaagad kong itinaas ang aking kamay sa ere para malaman niya kung nasaan ako. Kaagad naman niya akong nakita ngunit sadyang may pagka-maldita rin ang isang 'toh. Inirapan ba naman ako. But in fairness, she's not that bad. Lolo Claude was right, she's stunning. Especially today. She was wearing a casual white, mutton sleeve top and a black, above the knee flare skirt. Mukhang sanay ito sa mga mamahaling gamit. Judging from her outfit today, I'm pretty sure they are worth a million. Nakalugay naman ang mahaba at alun-alon nitong kulay brown na buhok. Hindi naman masyadong katangkaran ang babae pero dahil sa suot nitong 9.5 inches na white and pointy stiletto ay nagmumukha itong matangkad. Over- confident ito kung maglakad. Iyong tipo ng babae na walang pake sa kanyang paligid at tanging alam nito ay walang mali sa kanya. Wala siyang dapat ikinahihiya kung saan ay totoo naman. Wala naman kasing mali sa babae. Maganda ito at balingkinitan ang katawan. "Hi, there!" bati nito na walang ka ngiti-ngiti. Naupo na ito at maingat nitong nilagay ang dala niyang white mini bag sa gitna ng kanyang likod at ng upuan. Umangat ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "You're late." sita ko. Kumunot ang noo niya at tumingin sa suot niyang relo. "Honey, I'm not. I'm actually twenty minutes early." aniya. Ngumiti siya at mas lalong nangingibabaw ang angking kagandahan nito ngunit hindi ako nahahalina bagamat ako'y mas lalong naiinis. Anong pinagsasabi nitong hindi siya late. Nang-aasar na siya? "You are forty minutes late, Miss Alvarez." pagtatama ko. "Ang usapan natin 2:00 P.M. Kailan pa naging 3:00 P.M ang 2:00 P.M?" Namilog ang mata nito na tila gulat na gulat. "Oh! Well, not my fault." ani nito. Nagpanting ang tenga ko. Tila balewala lang ito sa kanya. "The heck is wrong with you?" Hindi ko napigilang sabihin sa labis na inis sa kanya. This woman doesn't even have an idea how precious time is to me. Palibhasa pagsho-shopping lang ang alam niyang gawin. She looked at me with amusement. Iyong tipong wala siyang alam sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. "Excuse me, Mr. Pinaglihi sa sama ng loob. Nothing is wrong with me. I'm fine and normal. See?" Tumayo ito at umikot-ikot sa aking harapan. "May paa ako at dalawang kamay. I can walk and talk. So, anong pinagsasabi mong may something wrong sa akin? I'm almost perfect kaya. I'm pretty, sexy and rich. Bunos na ang pagiging smart ko." Ngumiti ito at saka muling naupo. Muntik na akong mapa-ubo sa sinabi nitong smart. I do a background check on her at napag-alaman kong high school lang ang natapos nito. Home school pa at sigurado akong hindi talaga siya matalino. "My secretary told you that we met here at exactly 2:00 P.M. Ngayon, anong oras na? Do you know what I hate the most?" mahinahon kong sabi. Sumandal ito sa upuan at pinag-krus nito ang kanyang mga braso. "Well, hindi ako manghuhula. Sorry." Mapang-asar itong ngumiti. Naikuyom ko ang aking palad. Patience! Patience, Blamore! Paulit-ulit ko itong sinasabi sa aking isipan. "I really hate when someone makes me wait, Ms. Alvarez." paliwanag ko. "Bawat minuto meron ako ay mahalaga sa akin. Na-gets mo ba iyon?" "Hay naku! Iyan lang pala pinuputok ng butsi mo." Pina-ikutan ako nito ng mata. "Well, hindi ko rin naman totally kasalanan iyon, Mr. Pinaglihi sa simangot. Hindi naman kasi nilinaw ng sekretarya mo kung Filipino time or American time ba. So, nanghula na lang ako. I have followed Filipino time since we were both Filipinos." kumibit balikat ito. "By the way, hindi pa ba tayo o-order?" tanong nito. Huminga ako ng malalim at nagbilang ng lima gamit ang aking daliri. Ito ang tanging paraan ko para pakalmahin ang sarili ko sa labis na inis. Itinaas ko ang aking kamay para kunin ang atensyon ng waiter na nandoon. Kaagad naman itong lumapit sa amin. Matapos nitong kunin ang order namin ay kaagad rin itong umalis. Doon na nagsimulang makaramdam kami ng katahimikan. "So, why did you invite me here, Mr. sungit? Bakit mo pala ako pinatawag?" anito. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Is that what you always do?" tanong ko. "The what?" nagmamaang-maangan nitong sabi. "Giving weird names to somebody." Bahagya naman itong natawa as if na may nakakatawa sa sinabi ko. "Ikaw naman, Mr. sungit. Parang hindi ka mabiro. You can name me too if you want. But—I'll be the one who decides." Humalakhak ito. " Maybe, you can call me pretty…gorgeous….sexy or ms. perfect na lang. Feel free to choose. Huwag mahiya." sabay kindat sa akin. Natawa ako ng bahagya na may halong sarkasmo. I already see that this woman will be a sort of pain in my ass someday. Ngayon pa nga lang nga ay sumasakit na ang batok ko sa kanya. What more kung magkasama na kami sa isang bahay. "Okay, Miss Alvarez. Hindi na ako mag-paligoy-ligoy pa. Matagal ko itong pinag-isipan at—-" Huminto ako saglit at huminga ng malalim. Ni minsan hindi ako nag-aatubili na sabihin kahit kanino ang gusto kong sabihin. Mukhang ngayon lang ako nahirapan. "Go on," anito. "Huwag kang kabahan. Ako lang 'to no." Ipinatong nito ang magkabilang siko sa mesa at magkasalikop ang palad. Nakatingin ito ng diretso sa aking mga mata na walang ka-ilang ilang. She's bold. "I decided to give it a try." pagpapatuloy ko. "Please! Marry me!" Bigla itong natulala. Nakatingin lang ito sa akin at walang ka kurap-kurap. Kalaunan ay dahan-dahan rin itong gumalaw ngunit blangko pa rin ang mukha. Kaagad akong napayuko. I suddenly felt embarrassed. First time ko rin makaramdam na tila hindi ako confident na makukuha ko ang isang bagay. "Ohhh! S**t!" usal ko sa aking isipan. "Ha!Ha!Ha!" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang malulutong nitong tawa. "Oh my God! Nakakatawa ka talaga, Mr. sungit. Anyway," umayos ito ng upo. "I'm sorry to disappoint you but—-it's a NO. Alam kong gwapo ka, mayaman at mabango pero di talaga kita type. Sorry." Ngumiwi ito na may halong sarkasmo. Bumuntong hininga ako at binalik sa kaswal na ekspresyon ang ang aking mukha. "No worries, Ms. Alvarez. It's fine!" I said. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya. "Actually, it's good news for me that you don't like me." Ngumiti ako ng makahulugan sa kanya. "I don't like you either." Sa tingin ko hindi naman talaga ako dehado kahit first time na may babaeng tumanggi sa akin. Atleast, may rason na ako kay Lolo kung bakit hindi matutuloy ang kasal na pinapangarap niya. He can't use it now against me. Hindi na rin ako matatali sa babaeng hindi ko ka level. Tumayo na ako at huling beses siyang sinulyapan. "Thanks for your time, Ms. Psycho. I hope we will not gonna see each other again." Napa-awang naman ang labi nito at biglang umusok ang ilong sa galit. "W–who is the psycho again?" anito. "You!" Deretsa kong sagot. "May iba pa ba?" Marahas naman itong napatayo ay mukhang lalabas na ang mga ugat nito sa mata sa sama ng titig niya sa akin. Of course I ignore her. I smirk and walk away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD