bc

Mr. Grumpy and the Psycho

book_age16+
293
FOLLOW
2.1K
READ
contract marriage
submissive
self-improved
billionairess
heir/heiress
comedy
sweet
bold
enimies to lovers
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

   Harley Alvarez  has a beauty, body and life status to be envied. Nag-iisang tagapag-mana lang naman kasi siya ng Alvarez Corporation. Almost perfect na nga sana siya ngunit may isa lang talaga siyang katangian na hindi nagugustuhan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Akala kasi ng mga tao ay may sira siya sa ulo. Bigla na lang siyang nagwawala at dapat lahat ng gusto niya ay nasusunod.That is why they named her Miss Psycho. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi naman talaga siya ganun ka maldita. She only doing this crazy stunts para mapansin siya ng lolo niya at ng mga tao sa paligid niya. Since she grew up alone and had no friends to talk to. Tanging yaya lang nito ang kasa-kasama at tanging kalaro.

  

  

  Blamore Ferrer was one of the hottest, good looking billionaires on this planet earth. Ang nag-iisang apo ni Don Claude Ferrer at tagapag-mana ng Ferrer Corporation. He was almost perfect too except that he has a bad temper that nobody can handle. Siya yung tipo ng tao na sa unang tingin mo pa lang ay mukhang allergic na sa 'smile'. Nagsimula lang naman ito ng harap-harapan siyang pinagpalit ng kanyang girlfriend sa isang mayaman rin na negosyante. 

   Tindig at titig pa lang nito ay sigurado na kakabahan ka na. Parang lagi itong galit sa mundo. Kaya walang kababaihan ang naglakas loob na paghayag ng matinding pagkagusto sa binata kahit na gaano pa ito kagwapo at kayaman. 

   Ngunit lingid sa kaalaman ng dalawa ay matalik na magkaibigan pala ang kanilang mga lolo at pinagkasundo silang magpakasal. Sa kadahilanang hindi na rin masikmura ng kanilang mga lolo ang mga pinag-gagawa nila sa kanilang mga buhay. Ang gusto ng mga ito ay magtulungan silang dalawa na hanapin ang kanilang mga sarili at pagpapatawad sa kanilang mga puso para tuluyan na silang maging masaya.

  At kung hindi man sila pumayag ay wala silang mamanahin at lahat ng kanilang magiging mana ay mapupunta sa charity.

  Are they going to take the deal or no deal? Lalo't sa unang engkwentro pa lang nilang dalawa ay malala pa sa aso't pusa ang turingan nilang dalawa.

  

   

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Meet the Psycho
(Harley' POV) People thought I'm a psycho. Pheww! Well, para sa akin, hindi yan totoo. Kasi ang tunay na psycho ay pangit. Eh, hindi naman ako pangit kaya, no way na aaminin kong psycho ako. Tumingala ako sa kalangitan at nakangiting sinamyo ang malamig na hangin mula sa rooftop ng building ng kompanya ni Lolo Martin. Habang komportableng naka-upo sa malapad na ledge ng mismong rooftop. Hindi naman ako takot sa heights kaya keri ko lang na umupo rito. Kahit na…medyo may pagka-delikado pa rin. At kapag minalas ka ay mahuhulog ka talaga at siguradong bali-bali ang buto mo dahil labing dalawang palapag lang naman ang taas ng building na 'to. Palubog na ang araw kaya hindi na mainit. Ang malamig na dapya ng hangin na lang ang iyong mararamdaman. "Ms. Harley, bumaba na po kayo diyan, please. Parang awa 'nyo na po." pakiusap ni Nilda. Napasinghap ako sa ere. Muntik ko na siyang makalimutan na kasa-kasama ko pala siya. Well, allow me to introduce you to Nilda. Isa siya sa paborito kong taga-silbi sa mansyon namin. Siya lang naman kasi ang pinaka-bata sa lahat ng mga katulong namin at medyo keri ang ugali ko. Mahigit walong taon na rin siyang naninilbihan sa amin at malamang na ilang beses na rin ako nitong pinatay sa kanyang isipan. Takot lang umamin pero alam ko naman na kinaiinisan ako ng lahat. Hindi na rin ito nakapag-asawa simula ng nanilbihan ito sa amin. Paano kasi, sa akin pa lang, ubos na ang oras niya. Mga pitong taon lang naman ang agwat ng aming edad. She is 35 at 28 naman ako. Medyo may katabaan si Nilda pero magkasing-tangkad lang naman kami kong hindi ako nakasuot ng heels. "Panginoon ko naman! Baka mahulog po kayo diyan." dagdag pa nito. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-alala. Hmmm, mukhang legit naman. "Ayoko!" pagmamatigas ko. "Hangga't hindi binabalik ni Lolo ang credits card ko pati susi ng kotse ko. Hindi ako bababa dito." panakot ko. "Ms. Harley naman eh!" ingos pa rin nito. Kulang na lang ay lumuhod ito mula sa aking likuran. "Diba narinig 'nyo naman ang sinabi ng lolo ninyo? Grounded ka ng isang buwan. Eh, kilala 'nyo naman po si Don Martin. Hindi iyon nambabali ng kanyang mga salita." Biglang naningkit ang mga mata ko at mas lalong umusok ang ilong ko sa galit. Mukhang hindi na kasi effective itong stunts ko para pagbigyan ako ng aking milyonaryong lolo. Dati-rati kasi kapag gagawin ko 'to. Nagpapanic na ang lahat. Nagtatawag na ng rescuer at may malapad na inflatable rescue air cushion na nakalatag pa sa baba. Mukhang ngayon ay nalangawan na ang drama ko. Tanging si Nilda lang ang nasa likuran ko na may pagmamalasakit sa akin. "Aaaaaaaaaahhhh!" hindi ko napigilang sumigaw sa matinding inis ko. Umalingawngaw naman iyon sa buong kapaligiran. "Ms. Harley naman eh," si Nilda. "Bumaba na po kayo, please. Ako yata ang unang mamatay sa ginagawa 'nyo eh." Bahagya ko siyang nilingon at pinandilatan ng mata. "No worries, ipapalibing kita kung sakali man." mataray kong sabi. Tumayo na rin ako at bumaba. Nasayang ang effort ko. Kaagad kung sinuot ang puti kong GUCCI na sandalyas na may apat na pulgada ang takong na medyo malapit lang sa kinaroroonan ko. Mahirap ng madumihan ang mala-rosas kong talampakan 'noh! Mabilis naman akong nilapitan ni Nilda at pinagpagan ang mahal pa sa buhay niyang suot kong maikling palda na kulay itim rin. Pagkatapos ay pinasuot niya sa akin ang DIOR plaid tweed, na kulay-abo na blazer ko. "Heto na po ang bag ninyo." si Nilda. Iniabot nito sa akin ang kulay itim kong CHANEL satchel bag. Mabilis ko iyong sinukbit sa aking balikat at dali-daling tinungo ang exit door. Kung hindi ako naging successful sa unang stunts ko. Well, meron pa naman akong baon na baraha. Ito na nga lang ang huli. Sana magtagumpay na ako this time dahil hindi ko talaga keri na hindi ko mahawakan ang favorite weapon ko, ang aking credit cards. Kaagad kong tinungo ang opisina ng aking lolo. May babae akong nadatnan doon. Maikli ang buhok at ngayon ko lang nakita. Syempre denedma ko. Hindi naman siya gold para sayangin ko ang oras ko sa kanya 'noh. "Ma'am! Wait po." Biglang humarang ito sa aking dadaanan. "May appointment po ba kayo kay Don Martin? Pinasasabi kasi niya na bawal siyang disturbohin ngayon." Tumaas ang kanan kong kilay at biglang nagdilim aking anyo sa narinig. Kung kaya't mataman kong tinitigan ang babae. "Do you know me?" mataray kong tanong. Naglakad ako palapit sa kanya at ganun rin ang atras na ginagawa nito. Tila nasisindak sa ginagawa ko. "N–no, ma'am." mabilis na sagot ng babae. Mukhang maiiyak na ito kaya huminto na rin ako. Kawawa naman kasi. "Pasensya na po kayo, ma'am. Bago lang po kasi ako eh. Kakasimula ko lang po kahapon." Depensa nito. Pinag-krus ko ang aking mga braso at hindi pa rin inaalis ang mata ko sa kanya. "Nilda?" I snap my finger in the air. Taranta at dali-dali namang lumapit sa akin si Nilda. "Y–es, Miss Harley." "Paki-sabi nga sa babaeng ito kung sino ako." utos ko. Pakamot-kamot sa ulo namang tumingin si Nilda sa babae. "Ahhh, miss—siya po si Ms. Harley Alvarez. Nag-iisang apo at tagapagmana ng kompanyang ito." paliwanag ni Nilda. "And your future boss," segunda ko pa. "Kaya…get lost, honey!" taboy ko sa kanya. Kahit may konting pag-alinlangan ay tumabi naman ito. Rumampa na ako papasok sa opisina ni lolo. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Nilda. "Ms. H–harley?!" gulat na sambit ni Lilith sa pangalan ko. Siya naman ang matagal ng sekretarya ng aking lolo. Tumandang dalaga na rin dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanyang trabaho. "Not now, please." paki-usap nito. Alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niya. "The hell I care." deklara ko. Nagsimula ng humakbang palapit sa pintuan ng mismong opisina ni Lolo. Mabilis namang humarang si Lilith kaya mataray ko siyang pina-ikutan ng mata. "Come on, Lilith. Ano bang masama sa ginagawa ko? I just wanted to see my Lolo." sabi ko. "Busy nga siya." anito. Seryoso ang mukha. Well, mukhang normal naman ito sa kanya. Hindi naman kasi talaga palangiti si Lilith. "May bisita siya sa loob. Napaka-importanteng tao at kabilin-bilinan niyang huwag silang estorbohin kahit na sino. Kaya—please! Not now, Ms. Harley. Kung may kailangan ka sa kanya ay pwede mo namang sabihin sa akin. I will pass it to him later." Bumuntong hininga ako at tila may kung anong kalokohan na naman ang naglalaro sa isipan ko. Paki ko ba sa bisita ni Lolo. Perfect timing nga eh sa eksenang gagawin ko. Iyon naman talaga ang gusto ko eh. Iyong talagang mapapansin ang drama ko. Iyong magte-trending, sa buong company nga lang not nationwide. "Paano kung, ayoko." wika ko. Sabay pa cute sa harapan niya na may halong pang-aasar. Biglang nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko. "W–what do you mean by that?!" she asked. "Nothing." sagot ko. Walang ano-anong tinulak ko siya sa gilid at mabilis na hinawakan ang door handle ng pinto ngunit may lahing ninja yata si Lilith. Mabilis pa rin nito akong nahawakan sa braso. "Pasensya na, Ms. Harley, pero hindi po talaga pwede." ani nito. Pumalag naman ako at pilit na winawakli ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso. "Sandali nga lang eh. Importante 'to." rason ko naman. "Promise, saglit lang ako." Si Nilda naman ay nalilito rin kong sino ang tutulungan sa aming dalawa. "Hindi pa rin talaga pwede." ani ni Lilith. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "Please, Ms. Harley. Naku na bata ka! Ba't hindi ka na lang kasi muna makinig." "Ayoko nga!" sabay tulak sa kanya ng ubod ng lakas. Pareho tuloy silang natumba sa sahig ni Nilda. Nasa likuran lang naman kasi ito ni Lilith. "Yes! I won!" masigla kong sabi. Dali-dali ko ng hinawakan ang hawakan ng pinto bago pa muling makabangon si Lilith. Huminga muna ako ng malalim upang maka-bwelo sa sasabihin ko kay lolo. Sumeryoso na ako ng mukha. "Lolo!" sigaw ko. Pagkabukas ko mismo sa pinto. "I want my credit card back!" mando ko. Saglit akong natameme. Biglang nanlaki rin ang mata ni lolo ng makita ako. Kahit ako ay nasupresa rin. May dalawang lalaki kasi itong bisita. Isang matanda na kasing edad lang ni Lolo at binata na mukhang ilang taon lang din ang tanda sa akin. Napabaling ito sa akin kaya biglang nagtagpo ang aming mga mata. Ewan ko ba pero parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Parang biglang napako ang tingin ko sa kanyang mukha at tila nawala ako sa aking sarili. May kakaibang kamandag ang mata nito na parang nang-eenganyong tingnan ko pa siya ng matagal. Suriin ng mabuti ang bawat anggulo ng mukha nito. Ang dami ko nang nakitang gwapo sa pang-araw araw kong buhay pero tila iba ang isang ito. Napakamisteryoso ang dating lalo na ang malalim nitong titig sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious sa aking sarili. Wait! What? Parang gusto ko nang sampalin ang aking sarili dahil kung ano-ano na lang ang sumasagi sa isipan ko ng dahil sa lalaking ito ngunit parang wala rin akong balak na tantanan siya ng aking mata. Nakatingin pa rin ako sa kanya mula sa malinis na pagkakagupit ng buhok nito pababa sa makapal nitong kilay. Sa perpekto at matangos nitong ilong pababa sa manipis at mapula nitong mga labi. God! This man is so blessed to have a perfect and attractive face. Siguro kong LV bag siya baka kanina ko pa siya nabili. Idagdag mo pa ang hugis tatsulok nitong mukha na tila may malakas na dating sa mata ng mga kababaihan. Ang binti nitong napakahaba at bigla akong napalunok ng dumako ang mata ko sa gitnang bahagi ng kanyang mga binti. Damn! Ayokong magkasala ng maaga. Pero pati kasi iyon ay nakaka-enganyo ring tingnan. Mas nakadagdag pa sa appeal nito kung paano ito manamit. Nakasuot siya ng casual gray suit at kulay itim naman na turtleneck ang nakapaloob sa suot nitong blazer. “Harley!” boses ni Lolo. Tinatawag ako. At saka lang bumalik sa wisyo ang utak ko. “Y—yes po?!” taranta kong sagot. “Ito na ba ang sinasabi mong maganda mong apo, kumpadre?” Nakangiting wika ng matanda na katabi ni Lolo. “Yes, kumpadre.” nakangiting sagot naman ni Lolo. “Come and join us, hija.” aya ni Lolo sa akin. Umighan ako ng bahagya at mahinhin na inayos ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa maganda kong mukha. Hahakbang na sana ako palapit sa kinaroroonan nilang tatlo nang biglang pumasok naman si Lilith. “Naku, sir, pasensya na po. Makulit po kasi si Ms. Harley eh.” Bakas sa mukha ni Lilith na tila ito kinakabahan. Muli ako nitong hinawakan sa braso. “Ms. Harley, tara na po. Lumabas na tayo.” Bagama’t nakangiti ito pero may diin naman ang pagkakasabi niya sa akin. Inirapan ko na lang siya at tinapik ang kanyang kamay. “Bitawan mo nga ako.” asik ko sa kanya. “Ang OA mo naman eh.” “Lilith? It’s okay.” si Lolo. “Just leave her here.” “N—noted, sir.” mabilis na tugon ni Lilith. Yumuko ito saka humakbang na palabas sa pintuan at mahina nitong sinara ang pinto. “Come! Join us here, hija.” aya ulit ni Lolo. Mabilis naman akong humakbang sa kinaroroonan nila. Inayos ko ang pagkaka-upo ko sa isahang sofa at kaharap ko mismo ang poging lalaki na mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Unang tingin mo pa lang kasi sa kanya ay napaka-suplado na nito. Mukhang napakamahal ng ngiti. Tiningnan niya ako kaya nakipaglaban rin ako ng titigan sa kanya. Tama nga ang hula ko na mas lalo itong gwapo sa malapitan. Makinis ang mukha nito na tila alagang-alaga sa derma. Bunos na rin ang pabango nitong parang gusto kong idagdag sa koleksyon ko ng mga pabango ko. Banayad kasi sa ilong. “Harley?” wika ni Lolo. Kaya binaling ko na ang aking mga mata kay Lolo. “This is your Lolo Claude. Nag-iisa kong bestfriend since I was a young boy.” Pakilala nito sa matandang kanyang katabi. Hmmmm! So, mag-bff pala ang dalawang matanda na ito. Ngumiti ako ng ubod ng tamis kay Lolo Claude. Iyong ngiti ko na para sa mga VIP lamang. Bawal sa mga hampaslupa. “Nice to meet you po, Lolo Claude.” I extend my hand para makipag-kamay sa matanda. Awkward naman kasi kong magmamano ako. Ngunit mukhang hindi talaga mamatay matay ang ‘mano tradisyon na yan dahil instead na tanggapin nito ang kamay ko ay tumayo ito nilagay ang likod ng palad nito sa aking noo. “Bless you, hija and nice to finally meet you.” ani nito. Yumuko na lang ako upang pansamantala munang ikubli ang pagkapahiya ko. "And…I also want you to meet his grandson, Blamore." Pakilala naman ni Lolo sa poging lalaki. Napa-angat ako ng tingin sa lalaking kaharap ko. Nagdadalawang isip ako kung ngingiti ba ako o’ hindi. "My pleasure to meet you." Napaka-pormal nitong sabi. Walang ka ngiti-ngiti rin sa kanyang mga labi. Inilahad nito ang kamay sa harapan ko upang makipag-kamay sa akin. Umayos ako ng upo at nilabanan ang mga tingin niya. "Same with me." sagot ko. Dumako ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad pa rin sa harapan ko. Wala naman talaga akong balak makipagkamay sa kanya. Sadyang inaasar ko lang talaga siya. Ano siya? Gold? Matiim nito akong tiningnan. "Nangangalay na ang kamay ko, miss." pabulong nitong sabi. Parang nangungusap rin ang aming mga mata. Mukhang naaasar na rin ito. Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay irap. Nagtiim bagang ito at binawi na lang ang kamay niya. Tinapunan ako nito ng nakamamatay niyang tingin kaya gumanti rin ako syempre. I formed my finger in an L shape as a sign for 'loser'. Ngunit mukhang hindi ito nagustuhan ng aking lolo. "Harley!" sita ni lolo. " Will you please behave just for once!?" Umangat ang kilay ko at napahalukipkip. "He started it!" sabay turo sa demonyong si Blamore. Tumawa naman ang mokong ng bahagya na may halong pang-iinis. "I'm warning you, Harley!?" si Lolo. Bagama't mahinahon itong magsalita pero ramdam ko na galit na ito. May sakit sa puso ang aking lolo kaya labag man sa kalooban ko na hindi madepensahan ang aking sarili ay pinilit ko na lang munang tumahimik. "Kumpadre, easy lang!" si Lolo Claude. Hinawakan nito sa braso ang aking lolo upang pakalmahin. "Maybe they are still strangers to each other's eyes. Bakit kaya hindi muna nating hayaan na makilala nila ng lubusan ang isa't isa at magka-palagayan ng loob. Anyway we are not in a rush for a wedding." "What!?" halos sabay naming wika ni Blamore. Nagkatinginan pa kami. "A wedding?!" Marahas na tumayo si Blamore. "Whose wedding are you talking about, Lolo?" tanong nito kay Lolo Claude. At ako ay napatayo rin. "Oo nga!" segunda ko. Ngunit bigla rin akong naguluhan. "Whose wedding are you talking about anyway?" Tanong ko bilang panigurado. Sakaling namali lang ako ng dinig. "Kasal ninyong dalawa." Deretsang sagot ni Lolo Claude. Bigla akong natameme. Ikakasal ako sa malditong lalaki na 'to? Na parang pinaglihi sa sama ng loob? No way! "I don't understand." si Blamore. Napahilot ito sa kanyang sentido. "I thought we came here for business." "This is business." sagot ni Lolo Claude. Umawang ang labi ko sa narinig. "Huh?!" bulalas ko. "Paanong naging business ang wedding? Events iyon diba?" pahayag ko. Si Lolo Martin naman ang napahilot sa kanyang sentido dahil sa sinabi ko. "Enough!" si Lolo Martin. "Basta, napag-usapan na namin ito ng Lolo Claude ninyo. You two will get married, whether you like it or not." Napa-iling si Blamore. "I probably don't like this crazy idea. I should get out of here." anito. Tuluyan na itong lumabas ng pintuan. May pa-walk out peg si pogi. "No worries, kumpadre." si Lolo Claude. "He just needs some time." Tumayo na rin ito. "Maybe I should go too." Paalam nito. "See you around, hija." Paalam nito sa akin. Mahina na tinapik nito ang aking braso bago tuluyang lumabas sa naturang silid. Nang kami na lang dalawa ni Lolo ang naiwan ay buong tapang kong sinalubong ang tingin niya. "I'm not gonna marry that guy no matter what." deklara ko. Sumilay naman ang pilyang ngiti sa labi ng aking Lolo. "Really, Harley?" "Oo and that's my final answer." "Okay, kung iyan ang gusto mo." si Lolo. Bigla akong nagtaka. "That's it?" Kumunot ang noo ko. "H—hindi mo ako kokontrahin at pagpipilitan ang gusto mo? Gaya sa mga pelikula na napapanood ko!?" "Nope!" kampanteng sagot ni Lolo. Komportableng sumandal ito upuan. And when Lolo acted this way. Kakabahan ka na dahil ibig sabihin may alas ito na hawak-hawak laban sa'yo. "Pero….wala kang mamanahin sa akin. Lahat ng yaman at ari-arian ko ay mapupunta lahat sa charity." "...shit!" usal ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook