(Harley)
“Welcome to ‘Traje de bodas’, Ms. Harley. Welcome back po.” bati ng isang babae. Nakatali ng pa-bun ang buhok nito. Her face is familiar but I don’t know her name. Well, hindi rin naman ako interesado na malaman kaya dedma na lang.
“Magpapagawa po ba kayo ng gown, ma’am?” tanong naman ng isang babae na may maikling buhok.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi! Magpapa-rebond ako rito.” sarkastic kong sagot. Iniabot ko ang aking bag kay Nilda at nilampasan na ang dalawang babaeng madaldal. “Where’s your boss?”
“Si sir Allan po ba?” ani ng isa na nakangiti pa rin.
“Bakit? May iba ka pa bang boss?” mataray kong tanong. Ayon! Tumigil na rin sila sa pag-ngiti.
“W–wala po siya eh, may overseas business meeting po.” sagot naman ng isa na may maikling buhok.
“Well, pake ko sa kanya.” muling naglakad. “Bring me the best wedding dress that you have here. Iyong pinakamaganda sa lahat. Bilis!” utos ko.
“Right away, ma’am.” sabay nilang sagot. Mabilis na silang nagsikilos.
Umupo ako sa sofa na naroon habang hinihintay ang dalawang babae. Si Nilda naman ay nakatayo mula sa likuran ko.
I spotted a picture of a lovely girl in a frame na naka-display sa table sa bandang gilid. Kinuha ko iyon at tinitigan ng mabuti. The girl is really pretty and became even prettier in her wedding dress. Sumimangot ako. Akala ko kasi, ako lang ang maganda na nag-eexist sa mundong ito. Marami pala kami.
“Excuse me!” Tinawag ko ang babaeng may maikling buhok. “Who is she?” tanong ko.
Dali-dali naman itong lumapit at tinitigan ang larawan. “Ahhh, si Ma’am Chandria po yan. Dating designer din dito. Magaling po yan.” sagot niya.
Umirap ako. Tinatanong ko lang naman kung sino tong babae pero ang dami ng sinagot.
“Call her right away. I want her to design my dress.” utos ko.
“P–po?” Tila gulat na gulat ito. Ang OA 'ha! Inirapan ko siya muli.
“Hindi ka naman siguro bingi, right?” naiirita kong sabi.
Napakamot ito sa kanyang batok. “Ano kasi ma'am eh! Wala na po kasi si Ma’am Chandria. We can’t call her too dahil hindi rin niya masasagot.”
Tina-asan ko siya ng kilay. “Bakit? Patay na ba siya?” mataray kong tanong.
“Yes po.”
“Oh!” natampal ko ang bibig. “ Okay! Nevermind.” Mabilis na ibinalik ko ang frame sa mesa. Baka multuhin pa ako eh. Muli kong tiningnan ang larawan at bahagya akong nalungkot. She left too soon. Kaya minsan naiisip ko, okay na rin na maging maldita ka para di ka kaagad kunin ni Lord.
A few minutes, isa-isa na nilang pinapakita ang mga damit pang-kasal na meron sila. They are all good actually but one dress that really caught my taste. A minimalist type but look elegant. It’s absolutely perfect for a simple garden wedding.
It is a bodycon dress that is made of vintage satin fabric. It has a short puff sleeve and square neckline. Hanggang talampakan ang haba at may mahabang peekaboo slit. Diba, ang bongga?
“I like that one!” turo ko sa dress.
“Gusto nyo po, isukat ma’am?” tanong ng babaeng naka-bun ang buhok. Inirapan ko siya.
“Malamang, sweetheart.” sagot ko. Tumayo na ako at tinungo ang fitting room nila. And it’s naturally fit. No need for alteration..Sakto lang talaga sa size ng katawan ko pati ang haba nito. Parang itinahi talaga siya para sa akin.
I look stunned while looking at myself in the mirror. Para akong nakaramdam ng lalong excitement na maikasal. “Do you think Blamore will like it?” tanong ko kay Nilda. Na may malapad na ngiti sa aking mga labi.
Magiliw naman itong tumango. “Oo naman po, madam. Ang ganda-ganda nyo po kaya sa damit na yan.” ani nito.
Kumibit-balikat ako. I guess, hindi naman nagsisinungaling ang salamin. I really look good at this dress.
“I will take this,” ani ko sa attendant na naroon kasama namin ni Nilda.
“Nice choice, ma'am. Kindly wait na lang po at ibabalot namin siya ng maayos sa box.” sagot nito. Tuluyan na nila akong iniwan sa loob para hubarin ito.
Habang naghihintay sa damit ko na binabalot nila ng maayos ay bigla akong nakaramdam ng boredom. I decided to open my photogram account. I was just suddenly curious if Blamore also had an account. And he had.
And I was not happy. Paano ako matutuwa? He already has one million followers. My goodness! Paano kaya niya nagawang makahakot ng ganun ka rami, eh hindi naman friendly ang bakulaw na ‘yon.
I keep stalking and he really looks good in all those pictures. He looks like a Hollywood celebrity with asian race.
Bigla akong napa-isip. “Hmmmm! Should I follow him?” tanong ko sa aking isipan.
We're getting married anyway so I quickly press the word follow. Just hoping he will follow me back or else, tatanggalan ko talaga ng tenga ang kotse niya.
“Oh My God!” biglang bulalas ni Nilda. Naningkit ang mata ko sa inis dahil muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat. “Nananaginip ba ako ngayon?” ani pa nito.
Tiningnan ko siya ng masama ngunit nasa ibang direksyon ang mata nito. Sinundan ko iyon ng tingin. Bigla akong napa-irap.
She was looking at a tall, sexy and short-haired woman. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha. The heck! What is so special about it? Ngayon lang ba siya nakakita ng matangkad at sexy? Kunsabagay, Dyosa lang kasi ang nakikita niya everyday.
“Water please!” utos ko. Upang makuha ang kanyang atensyon ngunit langya inabutan ba naman ako ng sunscreen lotion. “Excuse me!” nilakihan ko siya ng mata. “Kailan pa naging tubig ang lotion?” galit kong wika.
“Naku! Sorry po, madam. Ito na po.” taranta niyang sagot. Inabot na niya sa akin ng bote ng mineral. Five hundred pesos ang presyo ng isa.
“Kung saan-saan ka kasi nakatingin!” sermon ko. “Kaano-ano mo ba iyang babae?” curious kong tanong. “Do you even know her? ”
“Naku ma'am, si Jhulifier Jones 'yan. Di nyo po ba nakikilala?”
Tinaasan ko siya ng kilay. “Magtatanong ba ako sa'yo kung kilala ko ang babaeng 'yan. Is she even famous?”
“Super madam!” tila kinikilig nitong sagot. Mas lalong umangat ang kilay ko. “Sikat na artista po yan. Naku! Fan na fan po ako niyan. Halos lahat nga ng palabas niyan sa telebisyon ay hindi ko pinalampas.”
“So? Do I look like I'm interested?” pagtataray ko. Sabay irap sa kanya. “By the way, she's not famous.” ani ko.
“Naku madam! Sikat po talaga siya as in.” insist nito.
Tinapunan ko siya ng naiirita kong tingin. “Tumahimik ka nga! Bakit ba nagmamagaling ka pa sa akin? She's only famous if I know her. Since hindi ko siya kilala, eh di, hindi siya sikat.”
“Okay po! Got it.” sagot nito sa mababang boses.
Umirap ako. “Good! And…” tiningnan ko siya ng makahulugan. “don't you dare to ask her for an autograph or picture. I can give you that even everyday.”
Sumimangot siya. “Eh, hindi naman po kayo artista at sikat.” pabulong nitong sagot.
Biglang nag-salubong ang kilay ko. “Did you say something?”
Bahagya itong tumawa na nakatingin sa akin. “Naku! Madam, wala po. Aalis na po ba tayo?” tanong nito.
Huminga ako ng malalim. “Okay, kunin mo na iyong damit at para maka-alis na tayo. This place seems so crowded.”
“Right away, madam.” tugon ni Nilda. Naglakad na ito patungo sa isang babaeng attendant.
“Excuse me,” ani ng matangkad na babae. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala kaya nilingon ko ito. Bad kasi yon kapag hindi mo tiningnan ang kausap mo.
Pinag-krus ko ang aking mga braso. “Yes?!” walang ka ngiti-ngiti kong sagot.
Ngumiti ito at nagtanggal ng suot nitong sunglasses. Infairness, maganda nga siya pero lamang pa rin ng tatlong paligo ang beauty ko kung ikukumpara sa beauty niya. Base yon sa mata ko 'ha. Huwag kayong judgemental.
“May naka-upo ba sa tabi mo?” tanong nito. Tumingin ito sa bakanteng dulo ng sofa.
“Did you see someone sitting there? ” tanong ko. Sabay irap.
“E–excuse me!” ani nito. Nawala ang ngiti nito sa kanyang labi. “Is that empty seat taken or not? Just simply say yes or no and we can end this conversation, okay?”
Pina-ikutan ko siya ng mata. Palaban din yata ang isang 'to. “Well, just say yes or no to my question too and we can end our conversation.” saad ko naman.
“My gosh!” tila naiirita nitong sabi. Hindi na ito kumibo pa at naupo na lang sa bakanteng bahagi ng sofa sa tabi ko. “Don't you know me?” she asked.
Nilingon ko naman siya na naka-angat ang kilay. “Why? Are you a daughter of a billionaire too?” tanong ko pabalik. “If not, don't bother to answer it. I probably don't know you. Kilala ko lang kasi ang mga kauri ko. Iyong pareho kami ng estado sa buhay.” Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Infairness, may taste siya sa fashion. “At sa tingin ko, your not belong to my world.”
Tumawa ito ng mapakla. “I may not, ikaw din naman. Wala ka rin sa mundo ko.” Umirap ito kaya gumanti rin ako.
“Hala! Ms. Jhulifier Jones? Kayo po ba iyan?!” tili ng isang babaeng attendant.
I rolled my eyes. Mukhang sikat nga ang babaeng ito. Pero wala akong pake.
“Hi!” ani naman ng kuno sikat na artista. Ngumiti ito ng ubod ng tamis. “I'm back again!” bahagya itong tumawa. “ Kamusta kayo?”
Hmmmp! Alam ko naman na pinaplastik lang nito ang kanyang ngiti. Ganyan naman kasi ang ugali ng ilan sa mga artista.
“Pwede po bang magpa-picture sa inyo? ” paki-usap ng isang fan nito.
“Sure, why not. Halika rito sa tabi ko. ” utos nito sa babae. Tiningnan naman ako ng babae ng makahulugan. Iyong tipong nakikiusap na tumabi ako ng konti. Ayoko nga! Why would I? Gold ba sila?
Napalingon ako kay Nilda. Halata ang inggit sa mukha nito at dahil may puso naman ako.
“Let's go, Nilda! ” sigaw ko. Tumayo na ako at umirap sa dalawang babae na nasa tabi ko.
Oh! Diba? I did a good job. Para hindi na makaramdam ng inggit si Nilda. Iniwas ko na lang siya.
“ Ano ba ang bagal!” sita ko kay Nilda. Napansin kong panay kasi ang lingon nito sa likuran niya. Hay naku! Parang artista lang eh. Akala mo ikamamatay nila na hindi makapag-picture sa idol nila. Hmmmp!