Chapter Forty Six The Broken Vows Lianne 8 months later “Archie! Jr.! Tama na 'yan!” ang sigaw ko sa mga batang naglalaro sa may basket ball court. Nang makita ako ni Archie ay kaagad niyang ipinasa ang bola sa iba niyang mga kasamahan at tumakbo paalis ng court. Agad namang sumunod sa kanya si Jr. “Maghahapunan na, hindi parin ba kayo nagsasawang mag laro? Pawis na pawis na kayo” “Hindi kase kami matalo ng mga kalaban naming ate, kaya panay sabi nila ng ‘isa pa’” pagmamayabang naman ni Jr. Habang pinupunasan ko ang likod nilang dalawa. “At saka ate, kaya na po namin umuwi nang hindi inaabot ng dilim” Nakapaywang na saad naman ni Archie sa akin na para bang matandang sinesermonan ako “Mag a-alasais na kaya kuya? May orasan ba kayo?” humawak din ako sa bewang ko at tinitigan ko

