Chapter Thirty Nine The Cold Knight Lianne Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko. Pero kaagad itong nawala. Nilawakan ko ang paningin ko. Bakit ako nandito? Ang dilim at parang wala akong makitang ibang tao. Napansin ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Ang huling naalala ko lamang ay pauwi na sana ako pero may biglang humila sa akin at pagkatapos non wala na akon maalala “Napakaingay ng cellphone mo tunog ng tunog” “V-Vale?” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa harapan ko. Hindi ako inimik nito. Pero napakasama ng tingin niya sa akin. Hindi ba siya iyong parang kasama ni Rowin na kumuha sa akin sa bahay? Sinubukan kong gumalaw pero ngayon ko lang napagtanto na nakatali pala ang mga kamay ko sa silya “Bakit ako nandito? Anong ginagawa mo pakaw

