(Consequences) “SAAN KA naman galing at ginabi ka na ng uwi?” salubong na tanong sa kanya ni Martha nang makababa siya ng sasakyan. Nakapamaywang pa ito at nakataas ang dalawang kilay na mukha kakapa-ahit lang. Gabi na nang magising siya sa unit ni Lorcan kaya nagmadali siyang nilisan iyon. Mabuti na lang at hindi niya nagising ang lalaki dahil kung nagkataon, marahil ay hindi pa siya nakauwi. Kinailangan pa tuloy niyang hanapin ang susi nito upang magamit ang sasakyan. “Kanina ka pa hinihintay ng mga bisita mong hilaw,” ani pa nito na hindi man lang binabago ang pag-arko ng kilay. “Excuse me, ang mga kaibigan ko ba ang tinutukoy mong hilaw?” Nilapitan niya ito at pinamaywangan din. “Kaibigan ko sila at bisita sila rito. Bakit parang nagagalit ka na nandito sila?” “Wala – “ Tinalikur

