(The sudden change of him) WALANG kasing-gaan ang pakiramdam na nararamdaman ni Lorcan. No s*x, no love making in almost three years was a total nightmare to him. Tila bumalik siya sa pagiging binata na bago pa lang nag-eexplore sa opposite s*x. Kasalukuyan siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama at parang sira na inulit-ulit ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Arwa. Na-realize niyang si Arwa pa rin ang hinahanap ng kanyang katawan at hindi rin iyon maitatanggi ng babae. Sa una lang ito nagkaroon ng pagdadalawang-isip ngunit kalaunan ay pumayag din. They really meant for each other. He bit his lower lip kasabay ng pagngiti. Mukhang malapit na siyang mapabilang sa mga baliw niyang kaibigan. Muli na namang bumalik sa kanyang buhay si Arwa at hindi na niya papayagan pang mawala ito

