BREAK 1
Madilim pa sa labas ngunit naririnig na ni Gwyn ang ingay ng kanilang landlady. Pupungas-pungas siyang bumangon at hinagilap ang kaniyang tsinelas. Tinipon niya ang buhaghag niyang buhok at hindi na nag-abala pang magsuklay.
"Hoy, Mila! Tatlong buwan na kayong pumapalya sa pagbabayad ng upa!" Narinig pa niyang sigaw ng ginang. Nagmamadali siyang naghilamos at lumabas para harapin ang pagbubunganga nito.
"Good morning ho, Aling Babi. Pasensya na ho sa tatlong buwan naming palya sa renta. Bigyan n'yo ho ako ng kahit dalawang linggo lang para makabayad sa inyo," malumanay niyang sabi rito.
Tumahimik naman ito ngunit pinagtaasan pa rin ng kilay ang kaniyang ina.
"Isang linggo lang, Diyosa. Pagkatapos ng isang linggo at wala pa rin, magbalot-balot na kayo," dagdag pa nito. Nasanay na ang ginang na 'Diyosa' ang tawag sa kaniya dahil sa palayaw na ibinigay sa kaniya ng anak nitong may gusto sa kaniya. Maputi raw kasi siya at mukhang diyosa.
Simula nang lumipat sila roon ay hindi na nito nakasundo ang kaniyang ina. Madalas niyang naaabutang nagtatalo ang dalawa tuwing naglalaro ng Tong-its sa labasan. Parehong hindi nagpapatalo kaya away palagi ang kinahahantungan ng mga ito.
"Oho. Makikiusap lang ho sana ako na huwag na ninyong sigawan si mommy. Baka ho kasi atakihin pa sa puso, e."
"Naku, ipinagtatanggol mo na naman iyang nanay mong mukhang basang sisiw kapag kaharap ka! Pwe! D'yan na nga kayo. Basta't bayaran ninyo ako pagkatapos ng isang linggong palugit ko at matatahimik ang buhay ninyo," ani Aling Babi at nagmamartsang umalis doon.
Marahas na napabuga sa hangin si Heaven at nakapameywang na hinarap ang kaniyang ina.
"Mom, what was that? Hindi ba't sabi ko sa inyo, iwasan ninyo'ng makipagtalo kay Aling Babi! Gusto n'yo bang pulutin tayo sa kalye?" mahina ngunit mariin niyang sabi rito.
"Paano kasi, e, masyadong mataray 'yang babaeng 'yan! Akala niya naman, mansyon itong pinauupahan niya," katwiran ng kaniyang ina.
Mariin siyang napapikit para pigilan ang sariling magalit na naman sa kaniyang ina. Bumilang siya ng tatlo at tahimik na iniwan sa sala ang kaniyang ina. Mas pipiliin pa niyang mag-asikaso na lang sa pagpasok niya sa trabaho kaysa makipagtalo rito. Paulit-ulit lang kasi ang nangyayari.
"Gwyn! Where the hell on earth are you now? Parating na si Big Boss at hindi pwedeng kulang ang mga empleyado rito tuwing bumibisita siya," natatarantang sabi ni Fae. Inaasahan na niyang tatawag ito dahil malapit na siyang ma-late. Ikalawang linggo pa lang niya sa bangko pero mukhang makaka-break siya kaagad ng record.
"Sorry naman. Traffic kasi, e, pero malapit na ako." Kung pwede lang sana niyang utusan ang driver ng jeep na mas bilisan pa ay ginawa na niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang umusad na ang mga sasakyan. Kung hindi lang sana niya naibenta ang kotse niya ay hindi siya mahihirapan nang ganito. Ngunit sa dami ng gastos nila sa paglipat ng bahay at sa pagbabayad ng mga utang, wala na siyang choice kundi ibenta ang natitira nilang sasakyan. Nauna na niyang naibenta ang pinakamamahal niyang sports car pero maging ang pinagbentahan niyon ay kulang pang pangbayad sa mga utang na iniwan ng kaniyang ama.
Pawisan na si Gwyn nang makapasok sa bangko. Binati siya ng security guard na si Mang Jun pero halos pabulong na lang siyang tumugon sa sobrang pagmamadali. Napalunok siya nang makitang nakatayo ang mga kasama niya habang kinakausap ng manager nilang si Mr. Lim. Pinigilan niyang makalikha ng ingay nang pasimple niyang inilapag ang dala niyang bag sa table at humila ng tissue para punasan ang butil-butil niyang pawis.
She's been working as banking clerk for almost three weeks. Sa higpit ng manager nila ay kailangan nilang maging presentable mula ulo hanggang paa. Kung pwede lang isama ang pagkakaroon ng fresh breath sa policy nila ay ginawa na rin nito. They don't have uniform and she was thankful that she has signature office attires that she has bought before they gone broke. Sinuri niya ang sarili sa katapat na glass door ng opisina ni Mr. Lim. Nang masigurong maayos naman ang itsura niya ay tumayo na rin siya nang tuwid bago pa makalapit sa pwesto niya ang baklang manager.
Bumuntong-hininga siya nang makalampas sa kaniya ang kanilang manager habang isa-isang sinusuri ang mga itsura nila.
"Seriously? Kailangan talagang i-check ang itsura at posture natin kapag dadating ang may-ari nito?" bulong niya kay Fae nang makabalik na sila sa table nila. Siya ang nakapuwesto malapit sa entrance kaya madalas ay sa kaniya rin lumalapit ang mga kliyente nila.
"Naku, first time mo pa lang kasing mararanasan ang ganito. Ganiyan din ang reaction ko noon pero nang katagalan ay nasanay na rin ako. Actually, si Mr. Lim lang naman ang may ganyan kahigpit na policy pero iyong may-ari nitong bangko, hindi naman ganyan kaistrikto—" Natigilan si Fae nang may humintong sasakyan sa labas. Kitang-kita iyon mula sa pwesto nila dahil sa glass wall ng bangko.
Curious naman niyang sinundan ng tingin ang tinitingnan nito. Namilog ang mga mata niya nang makilala ang kotseng pumarada parking area ng bangko. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang sports car na binenta niya noon kay Danrick, kapwa niya racer. Matapos niya iyong ibenta ay huminto na rin siya sa pangangarera at sinubukang maghanap ng maayos na trabaho. Malas niya lang na madalas siyang ma-reject sa application dahil kalat na kalat na noon sa balita ang anumalyang ginawa ng kaniyang ama bilang C.E.O ng Detronica—isang major electronic company sa bansa.
"Si Danrick? Paano naman siya nagkaroon ng ganitong business?" aniya habang hindi inaalis ang mga mata sa dati niyang sasakyan na muli niyang nakita.
Naguguluhan namang napatingin sa kaniya si Fae. "Ano? Sinong Danrick?"
Ngumiti siya sa kaibigan. "Nakikita mo ba 'yang magarang sports car sa labas? Sa akin 'yan dati at ibinenta ko lang sa kapwa ko racer na si Danrick."
Naniningkit ang mga matang tumitig sa kaniya si Fae. Tila tinatantiya nito kung seryoso ba siya o nagbibiro lang talaga.
"Ikukuwento ko sa 'yo lahat mamayang lunch break," aniya nang mapansin ang reaction nito.
"Oh, sige. Utang mo 'yang kuwento na 'yan, ha."
Halos hindi na naintindihan ni Gwyn ang sinasabi ni Fae nang lumabas mula sa sasakyan ang may-ari ng bangkong pinagtratrabahuan niya. Namilog ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon.
"Trevor?" bulong niya nang tuluyan na itong pumasok doon.
"Welcome back, Mr. Ferrell!" bungad naman ng manager nila. Napalunok siya nang makumpirma ang hinala. Si Trevor nga iyon. Si Trevor ang amo niya ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng hiya at kaagad na yumuko para hindi nito makilala.
Pasimpleng pinagmasdan ni Gwyn sina Trevor at Mr. Lim na nag-uusap pa rin habang naglilibot sa loob ng bangko.
"As if naman, may bagong maipapakita itong baklang 'to," sa isip-isip niya. Panay ang irap niya tuwing tumatawa ang kanilang manager na halatang nasisiyahan sa pakikipag-usap sa kanilang amo.
Pagsapit ng lunch break, kaagad inusisa ni Fae si Gwyn. Mabuti na lang at nakuha nila ang sulok na pwesto sa canteen kaya kahit magkwentuhan sila nang malakas ay hindi sila gaanong makakatawag-pansin.
"So, who is that Danrick you were referring to, huh?" tanong kaagad ni Fae pagdating ng order nila.
"He was a car racer, too," aniya na nag-alangan pang banggitin ang pangalan ng dating manliligaw. Nangangamba kasi siyang may makarinig sa kaniya na isa sa mga empleyado roon at isipin pang wala siyang galang sa boss nila.
Habang kumakain ay patuloy sa pagkukuwento si Gwyn. Sinabi niya ang lahat pati na rin ang dahilan kung bakit nakulong ang daddy niya.
"Grabe ka, ha! Mag-iisang buwan na tayong magkasama pero ngayon mo lang 'to naikuwento sa 'kin?" reklamo ni Fae.
"Alangan namang ikuwento ko kaagad sa 'yo, e, kakakilala nga lang natin 'di ba? Malay ko ba na magiging close tayo," katwiran niya.
"Sabagay. It's a family matter din naman kasi. So, kung kilala ka pala ni Sir, bakit hindi ka pinansin kanina?"
Bumuntong-hininga si Gwyn bago sumagot. "Ang totoo, nahihiya kasi ako. Baka lalo lang akong manliit na ganito na lang ako ngayon."
"Si Sir, mangmamaliit sa 'yo? Ay, girl, I'm telling you, hinding-hindi niya 'yan gagawin sa 'yo. Napakabait no'n ni Sir, ang pogi-pogi pa. Eh di ba nanligaw naman siya sa 'yo noon? Bakit hindi mo akitin ngayon para makuha mo ulit ang atensyon niya? Balita ko naman eh, single pa 'yang si Sir Ferrell."
Natigilan si Gwyn sa sinabi ni Fae. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang mang-akit ng isang binatang bilyonaryo, lalong lalo na kung si Trevor iyon. Pero sa kagaya niyang desperada na sa dami ng problemang kinakaharap ng pamilya niya, hindi malayong gawin niya iyon.
"Alam mo, sira ka talaga!" aniya at pilit na tumawa para itago ang laman ng isip niya.
Hindi makapag-concentrate sa trabaho si Heaven sa kaiisip sa sinabi ni Fae kanina. Bigla na lang siyang natutulala at hindi napapansing may kliyente na pala sa harapan niya. Mabuti na lamang at wala sa paligid ang msaungit nilang manager, kundi ay baka kanina pa siya nito nasabon.
"Girl, okay ka lang ba? Kanina ka pa natutulala d'yan, ah," puna ni Fae nang muli siya nitong mapansin.
"Pasensya na, medyo masama lang kasi ang pakiramdam ko." Nagdahilan na lang siya sa kaibigan para hindi na ito magtanong pa.
Saktong paglabas ni Gwyn ng bangko ay dumating naman ang sasakyan ni Trevor. Tila may mga nag-uunahang daga sa dibdib niya nang umibis mula roon ang binata. Napalunok siya nang dumako ang mga mata nito sa kaniya.
"Hi!" nakangiti nitong bati sa kaniya. Nataranta naman siya at hindi kaagad nakasagot.
Kumunot ang noo ng kaharap niya. "Y-You look familiar..."
Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Parang kanina lang ay ang lakas ng loob niyang isipin kung paano aakitin ang lalaki ngunit ngayong napagtanto niyang hindi na siya nito nakikilala, parang gusto na niyang umatras sa plano.
"Ahm, we're schoolmates in... college," aniya at alanganing ngumiti.
Kinabahan siya nang mas lalong lumalim ang guhit sa noo nito. Ganoon na lang ba kasama ang loob nito noong b-in-usted niya para makalimutan siya?
"Hindi ko maalalang—"
"I'm Gwynneth Barcelo. Remember, Breaking Point, Trevor uhh—I mean, Sir Trevor?" Pinigilan niyang mautal sa pagsasalita para mas maging convincing pa sa harap nito. Namula siya nang bigla itong tumawa.
"Oh, it's you! Kaya pala familiar ka sa 'kin. But, I'm not—" Naputol ang pagsasalita nito nang mag-ring ang cellphone nito mula sa bulsa. "Ah, excuse me..."
Napayuko siya nang sagutin nito ang tawag. Gustuhin man niyang umalis na ay hindi niya magagawa dahil hindi pa sila tapos mag-usap.
"Really? Tonight?" tanong ni Trevor sa kausap.
"Oh, yeah, I know where Light End is. See you there, dude!" natatawa pa nitong sabi bago tinapos ang tawag. Mukhang nawala naman sa isip nito ang pinag-uusapan nila kanina.
"I'm sorry, I forgot what I was saying... catch up with you next time? I'm really sorry, I have to go." Mabilis namang tumango si Gwyn at nagpaalam na rin sa lalaki. Nang makaalis ito ay nagmamadali siyang pumara ng taxi para mas mapabilis ang pag-uwi niya. Alam na niya kung saan niya isasagawa ang plano. Kung talagang hindi na siya nito nakikilala, sisiguraduhin niyang hindi nito makakalimutan ang gagawin niya.
Laking pasasalamat niya nang makasakay kaagad siya ng taxi. Nagulat pa ang kaniyang ina nang humahangos siyang dumating. Nagtanong ito pero hindi na niya iyon sinagot. Dumiretso kaagad siya sa kwarto para maligo at magpalit ng damit. Hinalungkat niya ang mga naitabing damit galing sa mansion at naghanap ng maisusuot niya sa gabing iyon. She must look seductive to gain Trevor's attention. Knowing that she'll go to a high-end bar, mamimili na lang si Trevor ng babaeng pwede nitong ikama. At hindi siya pwedeng magpatalo.
"Bakit ganyan ang suot mo, anak? May pupuntahan ka bang party?" usisa ng kaniyang ina.
"Yes, 'mom. 'Wag n'yo nap o ako hintayin mamaya. Kina Fae na ako matutulog," pagsisinungaling niya. Hindi niya pwedeng ipaalam sa ina ang totoo dahil sigurado siyang tututulan siya nito. Sino ba naman ang gugustuhing mang-akit ang kanilang anak para sa pera?
Nakasakay din siya kaagad paglabas niya pero naipit naman siya sa traffic. Iritado niyang tiningnan ang oras. Mag-iisang oras na silang stucked sa traffic. Baka sa sobrang tagal niya ay pumalpak pa ang plano niya.
Paghinto ng taxi sa tapat ng Light End Club ay nilukob na ng kaba ang dibdib niya. Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili.
"You can do this, Gwyn." Inayos niya ang nagusot na skirt sa tagal ng pagkakaupo niya sa taxi at taas-noong pumasok sa club. No one can stop her tonight.