“Do you need help?” tanong ni Gwyn na pilit na pinakakalma ang boses habang nakatingin sa asawang basang-basa na sa ilalim ng shower. “Stay,” maikling sagot nito. Napabuntong hininga na lang siya. “Get up. You have to take off your clothes first—” Napatili siya nang hilahin siya nito sa ilalim ng shower. Mabilis na nabasa ang damit niya. “Trent, ano ba?” iritado niyang sabi rito at kaagad na lumayo sa dumadaloy na tubig. Napasinghap siya nang tumayo ito at matiim na tumitig sa kaniya. “Take your clothes off, too, then.” He smirked. “No, paalis na ako.” Akmang lalabas na siya ng banyo nang maagapan nito ang braso niya. Mahigpit siya nitong niyakap mula sa likuran. Isinubsob nito ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg niya. “Stay, please.” “Kailangan ko nang umuwi.” Napalunok

