Bago ang dinner, ipinasundo ni Trent si Charmaine mula sa guestroom sa isa sa mga maid sa mansion. Nakahanda na ang hapunan sa mesa at naroon na rin ang kaniyang ina. “Is she really okay? Hindi siya pupunta rito kung hindi ganoon kasama ang pakiramdam niya,” ani Cassandra habang inaayos ang table napkin sa gilid ng plate nito. “I think she’s fine, mom. She just needed some rest. You know her family. With all the issues she is facing right now, they will not support her,” sagot ni Trent. Mayamaya lang ay narinig na nila ang boses ni Charmaine habang kausap ang maid na inutusan niyang sumundo rito. “Hi, Tita Cass!” bati nito sa kaniyang ina. Nginitian naman nito si Thraia. Nang tumapat na sa kaniya si Charmaine, dumukwang ito para halikan siya sa pisngi. Nasa kalagitnaan na sila ng

