Gwyn tried to move, despite the heavy arms on her stomach. At sa muling paggalaw niya, nagdilat ng mga mata si Trent. “Oh, s**t!” Tila napapaso itong lumayo sa kaniya at natatarantang umalis sa kama. Nagulat pa siya sa bahagya nitong pagtulak sa kaniya. Pain crossed her chest. Para siyang maiiyak anumang oras. “Uhh... I’m sorry,” nakayuko niyang sabi. Hindi na niya napigilan ang pagpiyok ng kaniyang boses. Dumiretso siya sa banyo at ikinulong ang sarili. Sinapo niya ang kaniyang dibdib. Paglabas niya ng banyo ay wala na roon si Trent. Siguro’y in-unlock din ni Lola Marcela kagabi ang pinto nang tulog na sila. Dumiretso na siya pababa ng hagdan. Tiyak na gising na rin sina Elisa. She stopped mid-sway when she heard an unfamiliar voice of a woman. “Oh, Trent! I miss you! You never

