Lumapag ang private plane na sinasakyan nina Gwyn nang araw na iyon sa Barcelona. Kasunod niya ang kaniyang ina at ang kaniyang Uncle Nievo nang igiya siya ng bodyguard na h-in-ire para sa kaligtasan niya. Binuksan nito ang pinto ng itim na kotseng maghahatid sa kanila sa mansion na pagmamay-ari ng kaniyang uncle. The house is located in Cadaqués, a town near Barcelona. Napalunok siya nang madaanan ang Millia Tower kung saan siya nakabili ng condo na tinutuluyan niya habang nagte-training pa siya. Kahit kumikita na siya ng malaki sa mga napapanalunang international car racing competition at iba’t ibang endorsement ng mga kilalang brand ng kotse, sapatos, at ilang luxury clothing brand ay mas pinili pa rin niyang tumira doon kaysa bumili ng malaking bahay. Plano sana niya iyon kung mais

