CHAPTER 5 - The Contract

1888 Words
(AUBREY'S POV) Ilang segundo lang ang lumipas matapos kong makausap ang weirdong lalaki ay may lumapit sa akin na mga lalaking nakasuot ng itim na coat. "Miss Aubrey, ako po si Dante. Kami ang itinalaga ni Sir Brendon para sumundo sa'yo." magalang na sabi sa akin ng isa sa tatlong lalaki. Para silang iyong mga lalaking napanuod ko sa movie na Matrix. Wala nga lang silang sunglasses. "A-Ahm, o-okay po." sagot ko kahit sobra na akong kabado. Biglang may itim na kotse ang tumigil sa mismong harap ko. Binuksan ng isang lalaki ang pinto sa backseat at inilahad naman ng lalaking kumausap sa akin ang kamay niya patungo sa kotse. Sa kabila ng nabuo kong desisyon ay hindi agad ako nakahakbang palapit sa kotse. Napalingon pa nga ako sa mga taong nasa bilyaran na pasimple na palang nag-uusyoso sa amin. Sobra akong kinakabahan. Sa isip ko, tinatanong ko ang sarili ko kung wala na ba talaga akong choice? Hindi na ba magbabago ang sitwasyon ko? Talaga bang ibibigay ko na ang sarili ko sa isang lalaki kapalit ng kaligtasan ko? Pero gaano ba ako kasigurado na magiging ligtas ako kasama ng lalaking weirdo na iyon? Talaga bang pakakasalan niya ako? Paano kung saktan at patayin niya lang ako pagkatapos? "Aubrey! Lumapit ka rito, babae!" narinig kong malakas na sigaw ni Tatay na nagpagulantang sa akin. Nanlaki sa takot ang mga mata ko at napatalon ako sa labis na pagkagulat at takot! Bumalik ang panginginig ng buong katawan ko. Nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ni Tatay ay nasa dalawampung metro na lang ang layo niya sa akin. Sa likod niya ay may nakasunod na mga lalaking parang halang ang kaluluwa! Malalaki ang mga pangangatawan, karamihan ay may balbas at marurumi ang hitsura! Para silang mga sanggano. "Lumapit ka rito kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ulit ni Tatay habang mabilis na naglalakad papalapit sa akin. Sinenyasan pa ni Tatay ang mga lalaking nakasunod sa kanya na lumapit sa akin kaya mabilis ang mga iyong nagtakbuhan palapit sa akin! Napalundag ako at bago pa man sila makalapit ay dali-dali na akong sumakay sa kotseng nasa harap ko! "Aubrey! Tang-ina kang bata ka! Bumalik ka! Aubrey! Punyeta!!" Mabilis ding sumara ang kotse at agad rin iyong humarurot paalis. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko na nasa gilid na ng kalsada si Tatay at ang mga lalaking mukhang mga sanggano. Kinuwelyuhan pa si Tatay ng isa sa mga lalaki at sinuntok ang tiyan niya, kaya naman namaluktot si Tatay at napaluhod sa kalsada. Pinili ko na lang na humarap sa unahan ng kotse habang bumabagsak ang mga luha ko. Sana ay mapatawad ako ni Tatay. Ayaw ko naman siyang iwan sa ere, pero hindi niya ako binigyan ng pagpipilian. Kailangan ko lang iligtas ang sarili ko. Gusto ko pang mabuhay sa mundo. HINDI ko namalayang nakatulog na pala ako sa kotse. Ginising na lang ako ng lalaki na nagpakilala sa akin na Dante nang dumating na kami sa destinasyon namin. "Nandito na po tayo, Miss Aubrey." Pagdilat ko ay naagaw ang pansin ko ng nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa mga outdoor lamps maging sa isang malaking ceiling lamp na nasa patio. Iginala ko ang paningin ko sa buong paligid. Malaking mansiyon ngayon ang nasa harap ko na may malawak na lawn at garden. Mukha ngang sobrang yaman talaga ng lalaking weirdo na iyon para offeran ako ng aabot ng 50 million. Sana lang ay hindi siya kasing-sama ng Goryo na iyon at ng mga pinagkakautangan ni Tatay. Makikiusap din ako sa kanya na kung maaari ay matulungan niya ako tungkol kay Tatay. "Dito po tayo, Miss Aubrey. Naghihintay na sa dining table si Sir Brendon." ani Dante na nagpabalik ng atensiyon ko sa kanya. Lumabas na ako sa kotse at sumunod ako sa kanya habang pasimple kong tinitingnan ang lahat ng nadadaanan namin. Pati mga gamit sa loob, halatang mamahalin. Ultimo ilaw na lang sa kisame ay malalaking chandelier. May kulay gold at may crystal din na chandelier. Napakasosyal. Napakataas din ng kisame at may mga artistic carvings. Pati mga pantings at vases ay halatang mamahalin. Kahit nga iyong carpet ay parang napakasosyal at napakalinis, nakakailang tuloy tapakan dahil baka marumihan. Nagpatuloy ako sa pagsunod kay Dante hanggang sa nadatnan nga namin sa dining room ang boss niya na puno ng awtoridad na nakaupo sa kabisera. May bakanteng pinggan sa harap niya at isa pang pinggan sa bandang kanan niya. Nakatayo naman sa isang gilid ng dining area ang limang kasambahay. Akala ko nga noong una ay mga robot lang sila dahil wala silang galawan, pero mga totoong kasambahay pala dahil humihinga sila. "Sir, nandito na po si Miss Aubrey." magalang na pagbibigay-alam ni Dante kay Brendon kahit nakita naman kami nitong palapit. "Take a sit." tipid, mariin at puno ng awtoridad na utos ni Brendon. Hindi ko sigurado kung ako ba ang sinabihan niya pero nang hilahin ni Dante ang isang upuan sa kanan ni Brendon pagkatapos ay inilahad sa akin ay umupo na ako roon. Yumuko din nang bahagya si Dante kay Brendon bago mabilis na umalis sa dining area. Grabe naman itong Brendon na ito. Parang masyadong istrikto. Talaga bang aasawahin niya ako? Kumumpas ang kanang kamay ni Brendon at bigla na lang nagsigalawan ang mga kasambahay. Nagulat pa nga ako. Ang ilan sa kanila ay nagtungo sa kung saan at pagbalik ay inilagay sa mesa ang mga pagkain gaya ng kanin at iba't-ibang klase ng ulam. Mayroon namang kasambahay na nagsalin ng juice sa isang baso at ang isang kasambahay ay nagsalin naman ng tubig sa baso namin ni Brendon. Napapatingin na lang ako dahil parang bawat galaw ng mga kasambahay ay de-numero. Grabe. Mukhang napaka-istrikto talaga ng Brendon na ito. Nakakailang na tuloy siyang kausapin lalo't nasa pamamahay niya ako. Hindi ko sigurado kung dapat ko ba siyang tawaging boss, Sir, o Brendon lang. Baka kapag tinawag ko siyang Brendon lang ay isipin niyang feeling close agad ako sa kanya. "Eat." aniya maya-maya. Kinuha ko naman ang pagkakataon na iyon para kausapin muna siya. Nilakasan ko ang loob ko. May hihilingin din kasi ako sa kanya tungkol kay Tatay habang maaga pa. "Ahm... S-Sir, salamat nga po pala... Gusto ko lang din sanang—" "Kumain ka muna. Let's talk about that later." putol niya sa sinasabi ko sabay hawak sa mga kubyertos niya. Aba't... Istrikto na nga, suplado pa! Nagsimula na siyang kumain kaya napilitan na rin akong kumain. Nakakailang pang kumain dahil ang tahimik niya masyado. Tapos, para na namang tuod ang mga tauhan niyang nasa gilid. Hirap na hirap tuloy akong ngumuya lalo na ang lumunok dahil pakiramdam ko ay maiistorbo ko siya sa pagkain kapag narinig niya ang pagnguya at paglunok ko. Nakaka-tense! Nang napansin kong patapos na siyang kumain ay tinapos ko na rin ang pagkain ko kahit kakaunti pa lang ang nakain ko. Paano ba naman kasi ako makakakain ng matino kung kagaya naman niya ang kasabay ko? Isa pa ay wala rin talaga akong ganang kumain dahil sa nangyari. Inaalala ko rin ang Tatay ko kahit ganoon ang ginawa niya sa akin. "Follow me." sabi ni maya-maya Brendon kasabay ng pagtayo niya. Nagsimula siyang humakbang at sumunod naman ako sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang tila mini office. May mga cabinet kasi sa isang gilid at may mga dokumentong nakapatong sa isang office table. May laptop din sa gilid. Umupo siya sa swivel chair at inilahad naman niya ang upuan sa harap ng table niya. "Aubrey Anniza Z. Pareses. Let me introduce myself first. I am Brendon Johhansen Alcosta, a businessman. Since you agree to be my wife, you should just call me Brendon. Wag ka ring mag-ho o po sa akin. It won't be appropriate." aniya sa istrikto at pormal na paraan. "This will be our marriage contract. Read it carefully." dagdag niya sabay lapag sa harap ko ng isang plastic folder. Kinuha ko naman agad iyon at binuksan, pagkatapos ay mabilis kong pinaraanan ng mga mata ko ang nilalaman ng mga dokumento. May mga legal terms pa na hindi ko gaanong maintindihan dahil napakapormal ng pagkakasulat ng kontrata kaya mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga terms ng kasunduan na nakasaad. Una, oras na maikasal ako kay Brendon at may mangyari na sa amin ay bibigyan niya ako ng 10 million pesos. At kapag nabigyan ko na siya ng anak na lalaki ay ibibigay na niya ang natitirang 40 million pesos. Iyon ang mga pinakamahalaga sa lahat. Pero may mga kundisyon. Una, kapag hindi na ako virgin sa unang gabi ng honeymoon namin ay wala akong karapatang mag-demand ng ipinangako niyang 50 million pesos. Siya pa rin ang bubuhay sa akin at magpo-provide ng lahat ng pangangailan ko habang nakatira ako sa bahay niya kagaya ng pagkain at damit, pero hindi ako maaaring magdemand ng pera sa kanya. Pangalawa, siya ang masusunod sa lahat ng tungkol sa pagsasama namin at kapag sumuway ako o hindi ko ibinigay ang gusto niya ay maaari niyang bawasan ang 40 million pesos na nakasaad sa kontrata namin. Pangatlo, kapag nakipag-s*x ako sa ibang lalaki o nag-cheat ako sa kanya ay hindi na niya ibibigay ang natitirang 40 million pesos sa akin. Nakalagay din sa kontrata na puwede kaming maghiwalay anytime basta parehas na naming nakuha ang best interest namin sa kasunduan. Siya, ang anak na lalaki na gusto niya at ako naman ay ang 50 million na ipinangako niya. Pagkatapos niyon ay mawawalan na kami ng pakialam sa isa't-isa. Tuluyan ko na ring iiwan ang anak ko sa kanya at hindi na ako makikipaglapit ulit sa kanila kahit kailan. Matapos kong mabasa ang lahat ay inilapag ko ang folder sa ibabaw ng mesa at huminga ako ng malalim. "I'll let you think carefully about it overnight. Bukas ng hapon ay darating ang lawyer ko para ipaliwanag sa'yo nang mabuti ang kontrata. Sabihin mo lang kung may gusto kang ipadagdag o ipabago para mapag-usapan natin. And if you want, puwede kang magpapunta bukas ng sarili mong lawyer. As soon as we agree to the terms, we can sign the contract right away and get married as soon as possible." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Masyado siyang seryoso at pormal ngayon kumpara noong unang beses niya akong kinausap sa bar. "Ahm... 'Yong Tatay ko... Gusto ko sanang masigurong ligtas siya." "Don't worry. He's safe. At kapag nagpakasal ka na sa akin ay bibigyan ko siya ng maayos na apartment at isang taong suporta sa pagkain." aniya. "S-Salamat... Pero gusto ko rin sanang ipagamot muna siya sa rehabilitation center kung maaari..." "Okay. It will be done once we are already married. Mayroon pa ba? Kung wala na ay puwede ka nang magpahinga. Bukas na rin ipa-finalize ang kontrata." Hindi nagtagal ay ipinasundo na niya ako sa isang kasambahay niya. Dinala naman ako ng kasambahay sa isang guest room na malapit daw sa kuwarto ni Brendon. Pinilit kong makatulog agad, pero naging mailap sa akin ang antok. Hanggang sa mga sandaling iyon ay tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko? Pero ano pa ba ang choice ko? Wala na. At least kay Brendon ay may maayos kaming kasunduan at may kontrata pa. Nasa akin na rin kung gugustuhin ko pa bang makalaya pagkatapos ko siyang mabigyan ng anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD