"Can we calm down for a bit? Sir, If you truly love your daughter you will give me a chance to talk to you in private. Just the two of us." Sabi ni Attorney. Napasinghap ako. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Gustong gusto ko itong sakalin ngayon dahil sa mga sinasabi nito. Wala ito sa napag usapan naming dalawa. Ang usapan hindi ako Aalis sa tabi niya. Pero ano itong gusto niyang mangyari ngayon. "Ano bang sinasabi mo, Attorney? Anong kayong dalawa? Alam mo ba iyang sinasabi mo ngayon sa akin ha? Hindi pwede! Dapat kasama ako! Paano-" "Daisy, it's a man to man talk. Just trust me with this, huh? Nothing bad will happen. Kami lang ng Tatay mo ang mag uusap. Hindi ka kasali. Dahil iyong pag uusapan namin ay tungkol lahat sayo." Seryosong sabi nito. He even kissed my cheek. "Kahit tungk

