Part 1
AUTHOR'S NOTE: ALL EVENTS, CHARACTERS, COUNTRIES... IN THIS STORY ARE ALL FICTIONS. IF THERE SIMILAR EVENTS, CHARACTERS, COUNTRIES. IT IS JUST A COINCIDENCE.
____________________
Daisy's POV
Napabuntong hininga ako ng makita ko kung sino iyong caller. I sighed. Agad na sinagot ko iyon.
"Ohayoo, Ottosan!" Masiglang bati ko sa kabilang linya.
"Doko ni imasu ka, Hana?" Seryosong tanong nito sa akin.
"Philippines." Simpleng sagot ko.
"Hana! Ie ni kaeru y0 ni nankai iu hitsuyo ga arimasu ka!" Sabi nito sa akin. Pinauuwi lang naman ako nito.
"Gome, Ottosan. Watashi wa sudeni kekkon shite iru toki ni ie ni kaerimasu." Sagot ko dito. Sabi ko na uuwi lang ako kapag kasal na ako.
"Hana!"
"Ottosan, sayonara!" Sabi ko saka ko inioff iyong cellphone ko.
Ayokong umuwi ng hindi ko napapakasal si Attorney Dennis! Kailan ko ito! I really need him. Para sa kalayaan ko at para hindi ako maipakasal ng Tatay kong hapon sa anak ng kaibigan nito. Never.
Si Attorney Dennis lang ang alam ko na makakatulong sa akin. Given na na gwapo ito at sobrang lakas ng karisma. Single din ito. Tapos attorney pa siya. Actually anak siya ni Judge Saavedra kaya alam ko na magaling din itong abogado kagaya ng ama nito.
Pero sa totoo lang gustong gusto ko ito. Na love at first sight yata ako dito ng makasalubong ko siya sa airport. Iniisip ko palang na makakasalubong ko na naman iyong tingin nito na halatang may kapilyuhang itinatago. Iyong bang para akong makakarating sa langit. Tapos halatang malaki iyong t**i nito kase bakat doon sa maong pants na suot niya.
"Ah!!! Daisy! You are so p*****t!" Tili ko sa loob ng sasakyan ko.
Napahawak pa ako sa magkabilang pisngi ko dahil wala na namang filter iyong isip at bibig ko. Kasalanan din ito ng mga yaya ko. Tinuruan nga nila ako ng tagalog pero puro malalaswang salita naman. Nakasanayan ko nalang tuloy.
Pero tuwing masisilayan ko kase ito hindi ko maiwasang pagpantasyahan Si Attorney. Ganito siguro talaga iyong walang s*x life. Ayoko pa namang mamatay ng virgin. Tapos hindi pa ako nakakakita ng t**i sa personal. Puro sa pornsite lang. Kasalanan kaya sa langit iyon?
Napapalatak ako sa kalokohan ko. Tiningnan ko iyong sarili ko sa salamin at agad akong bumaba ng sasakyan. Feeling sexy ako ngayon kase kailangan ko iyon dahil first attempt ko ito para mapansin ako ni Attorney. Sayang naman iyong cup C na dede ko na minana ko pa sa Nanay ko kung hindi manlang matitikman ni Attorney. Baka masad siya. Ah!
Isinuot ko iyong shades ko at agad na napako iyong tingin ko sa coffee shop kung saan alam kong madalas itong tumambay. Bumilang lang ako ng sampu at hindi nga nagtagal ay nakita ko na pumarada na roon iyong itim nitong Maserati.
"Oh, there you are my dearest Attorney. Looking devilishly handsome. Roar!" Bulong ko.
Napakagwapo nito sa suot na puting polo shirt, maong pants at white sneakers. Ang linis linis din nitong tingnan dahil ayos na ayos iyong buhok nito. Bagay na bagay talaga dito iyong mga puting kasuotan.
Sinipat sipat ko pa ito gamit iyong dalawang kamay ko. Kilig na kilig ako. Bagay na bagay kami. Napakunot iyong noo ko kase parang pumayat yata ito. I smirked.
"Here comes your Momma! Kapag sa akin ka napunta lagi kang busog. Papadedein kita araw araw. Masustansya kaya ako." Bulong ko pa.
Napahagikgik ako sa naisip ko. At dali dali na akong sumunod dito ng pumasok na ito sa coffee shop. Agad na inalis ko iyong shade sa mga mata ko ng maunahan ako sa pila sa likod ni Attorney.
Pinanlakihan ko ng mga mata iyong lalakeng nakapila sa likod nito. Nagtataka ako nitong tiningnan. Sinenyasan ko lang ito. Napapailing na umalis ito sa pila sa likod ni Attorney. Inirapan ko pa ito kase inismiran niya ako.
"Ay! t**i mo malaki!" Tili ko ng mabunggo ako sa kung saan ng bigla akong lumingon.
Napahilot ako sa nasaktan kong ilong. Sisinghalan ko na sana iyong nakabangga ko kung hindi ko lang nakilala iyong nagmamay ari ng gwapong muka nito.
"Are you okay?" Tanong nito.
Napatulala ako kase ang macho ng boses nito. Bagay na bagay dito. Napakagat labi ako kase para akong nauhaw lalo na na mapatitig ako sa mga mata nito.
"Malaki nga talaga ang t**i!" Bulong ko.
Napatakip ako sa bibig ko kase alam kong narinig nito iyon kase halatang gulat iyong reaksyon niya pero sandali lang. Napalitan iyon ng pilyong ngiti. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.
Bakit kase walang filter iyong bibig ko. Baka akala nito malisyosa akong tao. Paano na ako? Baka hindi ako nito pakasalan? Akala nito maniac ako? Napakabastos kase ng bibig ko.
"Sorry." Sabi ko na may alanganing ngiti.
"It's okay. Next time huwag kang magsasalita ng ganyan sa harap ng iba. Hindi bagay. Ang ganda ganda mo pa naman. Makasalanan naman iyang bibig mo. Magagalit si Lord." Sabi nito sa akin at bahagyang tumawa.
Mukang may sasabihin pa sana ito sa akin kase titig na titig siya. Pero hindi na siya nakapagtanong ng tawagin na siya nung cashier sa counter.
Napatulala nalang ako ng umorder na ito sa counter. Maganda daw ako? My God! Malaki ang pag asa ko. Napansin nito ang kagandahan ko. Hindi nasayang iyong ilang buwan kong pagsunod sunod dito. Para akong stalker.
Nakatingin pa rin ako dito ng Nginitian pa ako nito ng umalis na ito sa counter. Nasundan ko nalang tuloy siya ng tingin. Umorder na din ako sa counter. Tapos ng makuha ko iyong order ko hinanap ko kung saan ito nakaupo.
May idadahilan naman ako kapag tinanong niya kung bakit ako makikiupo. Marami kaseng tao sa loob ng coffee shop.
Huminga pa ako ng malalim bago ako lumapit dito. Lakas loob ako na naupo sa harapan nito. Hindi na ako nagpaalam baka kase hindi ako nito payagan maupo sa harapan niya.
Mukang hindi naman niya ako pansin kase nakaheadset pa ito tapos may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone niya. Feel na feel niya pa iyong music kase naririnig ko pa iyong bahagya niyang pagkanta.
Para bang nanghaharana iyong tinig niya. Tapos kunwari ako iyong dalagang Pilipina na kinakantahan niya pero balahura iyong bibig. I chuckled. Mayroon kaya non? O ako lang iyong ganito.
I sighed. Napakalamyos ng boses nito. Hindi mo aakalain na halimaw siya kapag nasa loob ng korte. That is the time when he is still a criminal lawyer. Pero ngayon hindi na. Puro annulment case nalang ang inaasikaso niya. And I don't know what is the reason. Iyong bagay na iyon ang hindi lumabas ng imbestigahan ko ito. Para bang may itinatago siya.
Sa kama kaya? Halimaw din Si Attorney? Napaisip tuloy ako. Pero iwinaglit ko lang iyon kase kung ano ano na naman ang kamanyakan na pumapasok sa isip ko. Mahirap talaga ang walang love life. Nakakastress.
Nakatitig lang ako dito sa bawat galaw niya. Napaka elegante nitong kumilos. Tapos ang sexy sexy niya talagang tingnan. Nakagat ko iyong straw ng iniinom ko ng mapatitig ako sa katawan nito. Halatang batak na batak siya sa exercise. Bakat na bakat kase iyong mga muscle niya sa suot na polo shirt. Pati iyong nasa pagitan ng mga hita niya bakat na bakat kase mukang malaki talaga.
Pinigilan ko iyong sarili ko kase baka bigla ko nalang dakmain. Mukang maghahatid iyon ng kakaibang ligaya. Napakaserye ng mga babaeng natikman na Si Attorney.
I pouted my lips. Kailangan ko na talagang maging asawa Si Attorney sa lalong madaling panahon. Para akin nalang siya. Hindi na siya mapunta sa ibang babae. Baka mauwi ako doon sa anak ng hapon na kaibigan ng Tatay ko. Hindi pwede! Gusto ko si Attorney ang first s*x ko!
Nakapangalumbaba pa ako ng patuloy ako sa pagtitig dito. Mukang hindi pa rin naman niya ako pansin. Feeling ko nag lalaway na nga ako kaya pasimple kong pinahid iyong labi ko. Inayos ko pa iyong kulot kong buhok.
Nagpatawag pa ako ng celebrity make up artist and hair stylist para magandang maganda ako ngayon pero hindi naman niya yata pansin. Light lang naman iyong make up ko hindi naman pang p****k. Hindi rin naman pang call girl iyong suot ko kahit crop top.
Ang mahal mahal ng ibinayad ko sa glam team na kinuha ko para lang sa araw na ito tapos hindi naman niya ako masulyapan. Nasa harapan na nga niya ako.
Busy pa rin ito sa kung anong pinagkakaabalahan niya sa cellphone niya. Pasimple kong kinuhanan ito ng picture. I giggled kase kahit saang anggulo ang gwapo at sexy nito. Nag selfie pa ako kasama nito ng pasimple pero nagulat pa ako ng bigla itong mag angat ng tingin. Tapos ngumiti.
Alanganing bumaling ako sa kanya at agad na itinago iyong cellphone ko kase baka mamaya ipabura niya pa. Ipapa frame ko pa naman ito kapag uwi ko mamaya sa hotel.
"May problema ba?" Tanong nito sa akin.
Poker face naman siya kaya hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip nito. Napahawi pa ako ng buhok sa tenga ko. Kilig na kilig ako kase nakasalubong ko na naman iyong tingin niya.
Gusto ko pa naman sa lalake iyong medyo bastos. Pero mukang hindi naman ganito si Attorney. Pero okay lang ako nalang iyong babastos sa kanya. I giggled.
"Nothing. Ang gwapo mo lang kase Attorney." Sabi ko at bahagya pa akong ngumiti dito.