Part 2

1553 Words
Tinitigan niya ako. Matagal kaya napakurap kurap ako kase baka mamaya ayain na ako nito na mag hotel. Hindi pa naman ako ready sa bagay na iyon. Ang napag handaan ko palang ay iyong pagkikita namin ngayon.   Buti nalang naipalaser ko na iyong buhok sa pem pem ko kaya wala ng tumutubo. My God! Paano nalang kapag kinain ako ng buo ni Attorney! Nakakahiya. Napahawak pa ako sa magkabilang pisngi ko. Napakamalisyosa ko talagang tao.   "May sakit ka ba?" Kunot noong tanong nito.    Umiling ako. Umayos ako ng upo at napasipsip ako sa straw ng inumin ko. Mukang nawirduhan pa yata ito sa akin. Nag dadaydream pa kase ako sa harapan niya.   Tinitigan na naman niya ako kaya nakipagtitigan din ako sa kanya. Ginandahan ko pa iyong ngiti ko para dito.   "Attorney, are you still single? Kase ako single pa. Pero nahanap ko na iyong mapapangasawa ko. Pwede ka ba? Para makapag honeymoon na agad tayo at maipakilala na kita agad sa Tatay ko." Inosenteng tanong ko dito.   Inabutan ko agad siya ng tissue ng muntik na niyang maibuga iyong kape na iniinom niya.    "Ay, naku! Sorry Attorney! Nabigla yata kita." Sabi ko pa.   Dumukwang pa ako para mapunasan iyong bibig nito. Napahawak pa nga ako sa mga hita nito. Ang tigas!    "What the heck?" Di makapaniwalang sabi nito sa akin.   Nanlaki pa iyong mga mata niya ng punasan ko iyong bibig niya. Natigilan kami pareho. Tapos sinundan ko iyong tinitingnan nito. Napakurap ako. Naka awang pa nga ng bahagya iyong mga labi nito. Nagulat siguro kase naka n****e tape lang ako. Tapos kitang kita niya pa ng malapitan.   "Gusto mo? Cup C yan. Mabubusog ka dyan Attorney. Hindi yan silicone. Hindi yan fake. Totoong totoo sila. Gusto mong itry? Pwede mo silang hawakan at pindot pindutin. Willing na willing ako. Walang kamali malisya." Tanong ko pa.   Bahagya niya akong itinulak kaya napabalik ako sa upuan ko. Napahilot pa siya sa sentido niya. Sinenyasan niya lang ako na huwag magsasalita.    Nagtataka ko siyang tiningnan. Wala naman akong sinabing masama. Nagtatanong lang naman ako sa kanya kase mukang interesado siya sa dede ko. Bilog na bilog kase. Baka akala nito fake iyon. Kaya ko naman patunayan na totoo at walang retoke sa katawan ko.   "Ah." Napa ah nalang ako ng marealize ko iyong mga pinagsasasabi ko.   Alanganin akong ngumiti dito. Oo nga pala mga conservative ang tao dito sa Pilipinas. Nakalimutan ko. Pero hindi ko naman akalain na kasama pala siya sa mga tao na iyon. Mukang napaka good boy pa ni Attorney. Isang malaking problema iyon sa akin kase mahihirapan akong paamuhin ito.   "Sorry. I didn't mean that way." Sabi ko nalang.   "You know what? Ang ganda ganda ng muka mo. Pero napakabalahura ng bibig mo. Ganyan ka ba lahat sa mga lalakeng nakikilala mo? Kung maniac ako baka wala na tayong dalawa dito ngayon." Napapailing na tanong pa nito. Umiling ako.   "No. Sa iyo lang. Ikaw lang kase ang pantasya ng buhay ko Attorney. Alam mo iyon? You are the man of my dreams." Nakangiting sabi ko pa dito. Napahilot na naman siya sa sentido niya.   "Have we met before? Para bang kilalang kilala mo ako." Kunot noong tanong nito.   Magsasalita sana ako pero may isang lalakeng lumapit sa amin. Nakauniform siya nung uniform ng coffee shop . Napatingin tuloy ako dito.   Napakurap pa ako kase ang gwapo din nito hindi papahuli kay Attorney. Para siyang mandirigma sa kakisigan. Napalingon din ito sa akin tapos ngumiti. Ngumiti lang din ako dito. Kung hindi ko lang gustong gusto si Attorney baka crush ko ito. Pero kay Attorney lang talaga ang interes ko. Wala ng iba.   "Sorry mukang nakakaistorbo yata ako sa date nyo?" Tanong nito sa akin. Agad akong umiling.   "Naku hindi naman." Sabi ko agad.   Napalingon pa ako kay Attorney pero nakakunot na iyong noo nito. Mukang hindi yata niya nagustuhan iyong sinabi ko.   "Cupid!" Sabi nito sabay turo doon sa name plate niya.   "I manage din coffee shop. And I am one of Dennis friend. May I know your name? Ngayon ko lang ulit nakitang nakipag usap sa babae si Dennis. Sa isang magandang babae pa." Tanong pa nito sa akin at inilahad iyong kamay niya.   "Daisy-"   Hindi ko na naabot iyong kamay nito ng hilahin siya ni Attorney palayo sa akin.   "What do you want Cupid?" Medyo may inis sa boses nito.   "Dennis, can I talked to you for a moment. It's a private matter." sabi nito at bahagya akong sinulyapan. Tumango lang ako.   "Hihiramin ko muna si Deonisio ha?" Natatawang paalam pa nito sa akin. Ngumiti lang ako dito.   Bagay na bagay iyong pangalan nito dito. Cupid. Mukang kahit Sino tatamaan ng pana nito kapag lagi siyang nakangiti. Ito iyong tipo ng lalake na gwapong timpatiko.   Tiningnan lang ako ni Attorney at sinenyasan na huwag mag sasalita. Napipilitang tumango ako. Tapos hinila na niya sa kung saan iyong kaibigan niya. Napasimangot ako. Akala ko pa naman magkakamoment na kami ni Attorney.   Iyong magkakaroon na kami ng getting to know each other pero wala. Pinaghandaan ko pa naman mabuti iyong araw na ito. Ang ganda ganda ng crop top ko para lang mapansin niya kung gaano ako kasexy. Pero mukang wrong timing naman ako.    Lalo akong napasimangot ng makita ko itong lumabas ng coffee shop kasama iyong kaibigan niya. Mukang seryoso iyong pinag uusapan nilang dalawa. Sumulyap pa nga ito sa gawi ko pero saglit lang. Mukang guni guni ko nga lang.   I sighed. Nakatitig lang ako doon sa sasakyan niya na kasing gwapo niya. Bahagya akong nalungkot kase akala ko chance ko na pero hindi pala. Ayokong umuwi ng luhaan sa Japan at pakasalan iyong hapon na iyon! Never!   Iyong lungkot ko napalitan agad ng saya kase ibinaba ni Attorney iyong bintana ng sasakyan niya tapos kumaway sa akin. I just gave him a flying kissed and winked at him. I even gave him a heart sign.   Gusto kong matawa ng halatang nagulat ito sa ginawa ko. Napapailing pa nga ito.   Masayang masaya ako kase mukang hindi ako makakalimutan ni Attorney. Makakita ba naman siya ng dalawang bilog na bilog na melon sa kainitan ng panahon. At katirikan ng araw.   "One point for Daisy!" Bulong ko sa sarili ko at bahagya akong natawa.   "Hello Daisy! Daisy siete!"    Nagulat pa ako ng may tumabi sa akin sa upuan at may naupo doon sa pinag iwanang upuan ni Attorney.   Naka sumbrero ito at naka shades ng malaki. Halos matakpan na nga iyong muka niya. Nagtataka ko silang tiningnan.   "Kilala nyo ako?" Tanong ko pa.   "Yes! Hep! Hep! Hooray!" Sabay pa nilang sabi.    Lalong napakunot iyong noo ko. Napasinghap pa ako ng paluin ako ng babaeng nasa harapan ko sa braso.   "My God, Daisy! Si Maria ito. Iyong manugang ni Dra. Sebastian. Iyong pangalawa sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Si Empress kase iyong una. Mapapadasal ka sa kagandahan." Pakilala nito at bahagya pang ibinaba iyong shades niya.    Tumango ako ng makilala ko siya. Nakita ko kase iyong berdeng mga mata nito. Sino ba kase iyong hindi makakakilala sa naging Ms. Universe? Pero nagtataka kase ako na may ganito pala siyang personality. Sa mga tv guesting kase nito na napapanuod ko napaka prim and proper nito.   "So, nakilala mo na si Sta. Maria? Dati mo din siyang estudyan sa fitness class mo. Lagi siyang kasama ni Tita Ezra. Kaya lang naputukan ni Doc Mattheo kaya hayan nakalulon ng pakwan. Isang malaking malaking pakwan. And you know. I'm Rizza Mae. But you can call me Ekang for short. Hindi ko alam kung natatandaan mo ako pero isa din ako sa mga estudyante mo. Sa martial arts nga lang." Pakilala pa nito.   "Daisy-"   "Daisy! Daisy siete! Hep! Hep! Hooray! Bigyan ng jacket yan!" Sabay na sabi nilang magkaibigan.    Tapos naghagikgikan pa sila. Pinagtitinginan nga kami dahil medyo napalakas iyong boses nilang dalawa. Takang taka naman ako sa kanila. Sa pagkakatanda ko kay Maria tahimik lang ito. Tapos lagi siyang absent sa fitness class. Kase daw nagugutom siya. Pero aside from that wala na.   Si Rizza Mae naman kilala ko din kase nga estudyante ko naman ito sa martial art class. Mas magaling pa nga siya sa akin kaya nagtataka ako bakit nag enroll pa siya. Siguro wala siyang magawa sa buhay. Puros mayayaman kase mga asawa nito kaya siguro bored na bored sila sa buhay.   "Anong kailangan nyo sa akin?" Tanong ko sa kanilang magkaibigan.   Nagtingin silang dalawa tapos nagbulungan habang nakatingin sa akin. Tapos naghahagikgikan sila. Napataas iyong kilay ko kase tuwang tuwa silang dalawa. Para bang nakadiskubre sila ng kayamanan kase parang nagniningning pa nga iyong mga mata nila habang nakatingin sa akin. Nawiwirduhan na nga ako sa kanilang dalawa. Alam ko kase tahimik ang silang dalawa. Pero hindi pala.   "Hah! Anong kailangan namin sayo? You are very wrong Daisy dear! Very very wrong! The right question is. Ano ang kailangan mo sa amin? Sa amin ka may kailangan. Hindi kami ang may kailangan sayo. Naiintindihan mo iyon? Pero ako na mismo ang sasagot dyan sa tanong na nasa isip mo ngayon. Ang kailangan mo sa amin ay kung paano ka namin bibigyan ng happy ever after dyan kay Dennis. Hindi mo ba alam. Bataan ko lang yan sa kanto. Takot sa akin yan. Isang kumpas ko lang ng kamay. Nanginginig pang lumapit sa akin yan." Tuloy tuloy na sabi nito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD