"Baka nakakalimutan mong isa ako sa nagpakilala sayo kay Daisy. Baka kung hindi, nilulumot ka na. Ano? Ginalingan mo ba? Baka ipinahiya mo ako kay Daisy. Sinabi ko pa naman na ikaw ang pinaka magaling kong manok at pinaka gwapo sa lahat. Simpatikong maginoo pero bastos." Nakangising sabi nito. Napasimangot ako. "Oo na, Emperor! Pero baka nakakalimutan mo rin. Kung hindi dahil sa akin talo ka sa pustahan. Hindi mo makikitang umiyak iyong tyahin mong ubod ng daldal at iyong asawa ni Mikhael na ipinaglihi sa lamang lupa." Sabi ko dito. "Sabagay. Nakakatuwa ngang umiyak si Auntie Maria. Takot na takot magutom." Sabi nalang nito. "O ano? Magkwekwentuhan nalang ba tayo?" Tanong ni Mikhael. Nagtawanan kami. Tapos nag umpisa ng maglaro. Iyong dalawa sa mga bodyguard ni Emperor iyong naging ref

