"Remember this, Macario. Itong babaeng ito na nasa harapan mo. Ito iyong babaeng siguradong pag mamakaawaan mo. Remember my promise to you? Maniningil ako sayo sa lahat ng ginawa mo sa amin ni Attorney. Hindi lang singil kase may malaking interes. Kaming mga hapon kase hindi marunong sumira ng pangako. At dahil ipinanganak akong mabait na tao. Tinupad ko iyong matagal ko ng pangako sayo." Seryosong sabi ko sa kanya. Wala akong kangiti ngiti. "Hindi ba at sabi ko sayo huwag na huwag kong malalaman na ma iinlove ka? Kase ako ang kauna unahang tao at ako mismo ang sisira doon sa pagmamahal mo sa kung sinong babaeng yun? Natatandaan mo pa ba? O talagang makakalimutin ka lang? Kase ako hinding hindi ko magawang makalimot. Hayan ipinaalala ko pa sayo, hindi ba? Sobrang bait ko talaga." Sabi ko

