"Damn it, Rhay! Hindi ito iyong napag usapan natin kagabi? Hindi ba at sabi ko umuwi ka na? Bakit dito Ka pa natulog?! At dito pa mismo sa kwarto namin ni Daisy?" Attorney hissed at her. "Naku naman, Sir Dennis! Nakita ko nga lahat-" "Shut up, Rhodora! Shut the f**k up! Did you hear me! Shut it!" Dumadagundong sa buong kwarto iyong boses nito. "Hindi iyan si Iliana, Rhay! That's my wife! She's Daisy! Did you hear me? That! Is! My! Wife! And she's back! So shut the f**k!" Dagdag pa nito. Napapitlag kaming tatlo nila Miriam sa galit na galit na boses nito. Ang sama ng tingin ni Attorney sa tinawag nitong Rhodora o Rhay. Ngayon ko lang ulit nakitang galit si Attorney. Mas galit pa noong gabing nalaman niya iyong tungkol sa pamilya ko. Napasimangot ako. "Mukang kailangan nyo pang mag

