Inip na inip ako sa oras. Napakaaga nga namin ni Kevin sa magiging tagpuan nila ni Daisy. Iyong mga bodygurad ni Emperor ay sinalubong agad ako ng makapasok kami sa hotel. Agad na inabot nila sa akin iyong card key ng hotel room ni Daisy. "Attorney Dennis, kabilin bilinan ni Emperor galingan nyo daw sa laban! Nakapusta kase dito iyong alaga niyang kabayo." Sabi ni Apeng. "Sabihin nyo sa amo nyo magbunyi na siya. Dahil makikita na niya si Maria at Ekang kung paanong umiyak." Nakangising sabi ko dito. Tumango lang ang mga ito at umalis na. Sinulyapan ko si Kevin sa malayo at sinenyasan ko siya. Tumango lang ito sa akin. Napangisi ako ng makita ko si Daisy na papalapit dito. Agad akong umalis sa kinauupuan ko at nagtungo sa kwarto nito. Hindi naman ako nagtagal mag hintay dahil nakatanggap

