"Where is my daughter in law?" Nakangiting tanong nito sa akin. Itinuro ko si Daisy na tahimik na nakahiga sa kama. Sabay sabay kaming tatlo na napangiwi ng mapagmasdan namin iyong magulong kwarto. Tumabingi iyong ngiti ko kay Ninang. Ito naman ay iiling iling. "Sir Dennis, napaka intense ba ng naganap na honeymoon kagabi? Halos masira na lahat ng gamit dito sa kwarto nyo. Nakakagulat! Baka pati kama nyo sira na at kailangan ng palitan?" Hirit pa ni Miriam. "Nayari mo na ba iyong ipinagagawa ko Miriam?" Tanong ko dito. Umiling ito. Sinenyasan ko itong lumabasa ng kwarto. Mukang ayaw pa ngang umalis nito dahil makiki usyoso siya. Nagkakandahaba pa kase iyong leeg nito habang papaalis. Hinayaan ko namang tingnan ni Ninang Joan si Daisy. Kwento ng kwento si Ninang kay Daisy. Fitness inst

