"Ano? Sasagot ka ba o papatayin na kita dito? Mamili ka. Mabilis akong mainip." Pananakot ko dito. Sumigok sigok ito. "18." Sabi nito sa pagitan ng pag iyak. Napapalatak ako. Sinasabi ko na nga ba. Buti hindi siya menorde edad. Kung hindi ewan ko nalang talaga kay Attorney. "Parang awa mo na! Pakawalan mo na ako. Iyong nakita mo kanina na kasama ko si Attorney Dennis! Wala lang iyon! Binayaran niya lang ako para magpanggap na babae niya. Pero wala! Wala talagang nangyari sa amin Mam! Please po! Ginagawa ko lang ito para sa kapatid ko!" Sabi nito sa pagitan ng pag iyak. I remained poker face. Tinapik tapik ko pa iyong katana sa kamay ko. "Why would he hired you? For what reason?" Tanong ko dito. "Para tumigil na iyong Iliana! Iyong babaeng patay na patay sa asawa mo. Iyon ang natatand

