"Damn it!" I hissed. I kicked the coffee table in front of me. Napapitlag sa takot si Miriam at Kevin na tahimik na nakatingin sa akin. Napahilamos nalang ako sa frustration kong nararamdaman ngayon. "Do something Kevin. Kung kailangan gumamit ako ng fake identity. Gagawin ko. So do it! Kailangan kong pumunta ng Japan at makausap si Daisy. Iuuwi ko siya dito sa ayaw at sa gusto niya. Naintindihan mo ba ako Kevin?!" Mariing utos ko dito. "Y-yes Attorney. Gagawin ko na po. Gagawa ako ng paraan para makalabas kayo ng bansa." Napipilitan sabi nito. "Good." Sabi ko dito. Lumabas ako ng bahay kasunod ko iyong dalawa. "Sir Dennis saan kayo pupunta? Paano kung tumawag si Miss Daisy?" Habol sa akin ni Miriam. "Kung makausap mo si Daisy. Sabihin mo sa kanya na umuwi siya dito sa Pilipinas or

