Daisy's POV Nagising ako dahil hindi ako makahinga. Nagmulat ako ng mga mata. Nalingunan ko si Attorney na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko. Nakayakap pa ito sa bewang ko. He stir a bit. Mas niyakap niya ako ng mahigpit. I bit my lower lips. Napakagwapo ni Attorney. Parang baby itong matulog. Nagsumiksik pa ito sa akin. Natawa ako ng mahina. Feeling ko talaga gusto na ako ni Attorney. Tapos magkatabi kaming magdamag matulog ng walang hukus focus. Kinikilig na naman tuloy ako. Maingat na inalis ko iyong pagkakayakap nito sa akin. Pumunta agad ako sa bathroom at saglit na naligo. Tulog pa rin si Attorney ng tingnan ko ito. Maingat akong lumabas ng kwarto nito. Suot ko iyong boxer ni Attorney saka itim na t'shirt nito. Para akong asawa ni Attorney tapos honeymoon namin. Napahagikgi

