Natutuwa si Lenna sa buhay may-asawa ng kaibigan. 'Di sila gaanong mayaman pero sagana naman sa kan'yang pagmamahal at ito ang gusto niya. Maaga akong nagising saka naghanda sa aming paglilibot kaya bumaba na ako para na kami ay mag-almusal. Nakaupo na ang mag-asawa habang nakatingin si Derek sa kanyang cellphone. Para itong may hinahanap. "Saan kaya natin siya unang dadalhin, sa Detroit museaum o sa Motown?"tanong niya sa asawang si Mina na abala sa pagbabalot ng sandwiches na ibabaon namin. Nakita ko rin ang sari-saring juice, soda in can at mga bote ng tubig na babaunin. "Mukhang handang-handa tayo, hindi tayo gugutumin sa dami ng hinanda mo," saka ko hinawakan ang tiyan ng aking kaibigan. "Oo bes, kasi gutumin ako para ngang kambal 'tong dinadala ko eh!" sabi ni Mina hawak ang

