Gusto kong lapitan, hawakan ang mga kamay ni Dane para magpaliwanag. Galit ako dahil parang ako pa ang mayroong malaking kasalanan sa kan'ya. "Dane, ilang buwan ka noong nawala at hindi na tumawag. Wala akong ibang mapagtanungan dahil lahat sila ay tikom ang mga bibig," simula kong saad sa kan'ya, pilit ko sa kan'ya pina-intindi ang lahat. "Hinanap kita para sabihin ang tungkol sa aking pagbubuntis pero wala akong magawa. Sino bang babae ang gusto na palakihin ang anak niya na mag-isa at walang ama na poprotekta at tutulong sa kanila?" masama ang loob ko na tinitigan si Dane. "Huwag mo akong sisihin kung hindi ko man sa iyo nasabi ang tungkol sa anak natin dahil 'di ko rin alam kung gusto mo pa kami na makasama!" "Nawalan ka nang alaala at ako ay nalimutan mo na kaya 'di kita sinisi

