Nawala si Alwine at ang yaya

1658 Words
Isang hapon sa Pilipinas, dumating ng bahay si Lenna. Madilim ang bahay at gabi na nakauwi. Pumapasok siya sa umaga sa paaralan at sa hapon naman pumapasok siya sa part time job niya. Umu-uwi lamang siya sa tanghali para magpahinga sandali tapos mag- iiwan sya ng mga bote ng gatas na pinapump niya para sa anak. Hinanap niya ang yaya at ang baby niya pero hindi niya ito makita, kaya tinawagan niya ang kapatid. "Albie, pumunta ba si yaya at Alwine diyan?" tanong ni Lenna sa kapatid. "Hindi sila napupunta dito, may problema ba ate?" sagot ni Albie na parang naghihinala "Akala ko kasi nandiyan sila, 'di ko kasi sila naratnan dito. Sige na at baka pumunta lamang sila ng labasan." Pagkababa ng phone hinanap ni Lenna ang yaya sa kanilang kapitbahay at baka ito naroon nakitsismis lang pero wala rin ito roon. Hanggang sa may labasan hinanap niya ang yaya at anak pero 'di pa rin niya nakita. Si Lenna ay kinakabahan na kaya tinawagan niya muli ang kapatid na si Albie. "Hello Albie, puwede ka bang pumunta dito?" parang naiiyak na ito habang kausap ang kapatid. "Sige ate, sandali lang at nariyan na ako." Anito sa kapatid na nagugulumihanan. Dumating ang kapatid niya at nalaman ang mga nangyari, sinabi nito na maghintay muna sila ng ilang oras pa dahil baka tumawag din si Yaya Ruth. Makaraan ang dalawang oras at 'di pa rin ito dumarating o tumatawag man lamang kaya agad nag-pasya na si Albie. "Pumunta na tayo ng presinto at ipablotter na natin." Sa presinto binigay nila ang mga papeles ng yaya nito na nakita nila sa loob ng cabinet niya, naisipan nilang dalhin ito kung saka-sakali na ito ay kailanganin ng mga pulis. "Hayaan ninyo Mrs. at gagawin namin ang lahat para ang anak ninyo ay makita pero sa ngayon ay kailangan po natin maghintay pa baka may pinuntahan lang po ang yaya tapos walang maiwanan sa anak ninyo kaya isinama." Saad ng pulis. "Pero hindi siya tumatawag, usapan namin na pag aalis siya mag-paalam siya o kahit teks lang," ani Lenna sa pulis. "Kami na po bahala dito sa reklamo ninyo, tatawagan na lang namin kayo pag may balita na kami," paniyak ng pulis sa kanila. Magdamag na naghintay si Lenna, 'di siya makakatulog hanggang wala pa siyang balita kung nasaan ang anak. 'Di niya alam kung saan dinala ng yaya si Alwine, wala sa hinagap niya at isip na ito ay kaya gawin ng yaya ni Alwine dahil sa napakabait nito at matulungin pa. Lalo na nang mga nakaraang mga araw ay maalaga ito sa anak niya. "Lord, bakit ang anak ko pa? Wala naman kaming yaman para nila pag-tangkaan na kidnapin ang anak ko!" "Ate, huminahon ka at baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo. Paano pa 'pag nakita na si Alwine kung mag-kasakit ka!" Hindi naman sa kung saan lamang at basta-basta mga agency lang nila nakuha ang yaya at may mga papeles din itong na sa kanila ay pinakita kaya naman nagtiwala sila dito. "Matulog ka na ate, bukas maaga tayong pupunta sa presinto kung gusto mo." Binigyan pa siya nang mainit na gatas ni Albie para lamang kumalma. Kinabukasan bumungad sa kan'ya ang balitang nakita na ang yaya kaya dali- dali na silang pumunta ng presinto. Kasama niya ang kapatid at halos mawindang siya sa mga binalita ng pulis na siyang may hawak sa kaso ng anak. "May tumawag sa amin buhat sa isang Hospital, sinabi ng tumawag na may babaeng dinala roon na namatay daw kalaunan dahil sa maraming saksak sa katawan," sabi ng pulis sa paglalahad nito kila Lenna. Ang napatay ay ang yaya base sa picture na binigay nila sa mga pulis, pero wala ang bata, ang naiwan lang nito ay ang lampin nito na hawak-hawak hanggang ito ay mamatay. Si Lenna ay hindi malaman ang gagawin kaya ito ay umiiyak na lamang hanggang sa siya ay napaupo. "Ako ang may kasalanan kung bakit siya nawawala, dahil pinabayaan ko siya!" sigaw niya habang umiiyak. Saan pa niya ngayon mahahanap ang anak kung patay na ang nag-iisang nito na kasama. Sinabi ng mga pulis sa kanila kung saan natagpuan ang bangkay ng yaya bago ito dinala sa hospital ng mga tanod. Hinulog daw sakay ng isang van ang babae sa kumpol ng mga kabataan nagkasayahan sa isang madilim na eskinita. "Sa kabiglaan 'di na nakuha ang plate number ng van at ang mga kabataang ito ang nag-report sa barangay, na siyang nagdala sa biktima dito sa ospital." Ayon sa pulis. Nagsimula na ang mga pulis sa imbestigasyon nila tungkol dito. Sila ay nahihirapan dahil madilim ang lugar kung saan tinapon ang biktima. Kahit buhay pa ito nang dinala ng mga barangay tanod ay 'di naman ito makapag-salita dahil sa pinutol din ang dila nito. Kalunoslunos nga ang nangyari sa yaya ng anak at wala siyang alam na may galit sa kanila para gawin ang mga bagay na 'yon. "Hindi natin alam kung may galit ito sa yaya ninyo para ito ay patayin at idamay ang anak ninyo!" sabi ng pulis na may hawak ng kaso. 'Di umaalis ng presinto si Lenna, naghihintay pa siya ng ibang balita. Dinadalhan siya ni Albie ng makakain pero parang wala siyang gana. "Sige na ho mrs. umuwi na po muna kayo at baka kayo ay magkasakit sa ginagawa ninyo." Madungis, nangangalumata at nangangayayat 'yon ang itsura ni Lenna dahil sa hindi nito pag-uwi ng bahay nang ilang araw. Awang- awa na ang lahat sa kan'ya dahil umiiyak pa rin paminsan-minsan si Lenna. Sinasambit ang pangalan ng anak na nawawala hangang 'di na nito nakayanan at bigla na lang siyang bumagsak sa presinto buti na lang nandoon ang kan'yang kapatid. Mabuti at nasalo siya ni Albie. Dinala ng ambulansiya si Lenna sa hospital. Si Albie ay sinabihan ng doctor na depresyon at ang 'di sapat na pagkain nito, ang kawalan rin ng tulog ang siyang dahilan nang mabilis na paghina ni Lenna. "Pare, kausapin mo ang 'yong kapatid na huwag na siya munang pumunta sa presinto at siya ay maghintay na lang muna ng resulta sa imbestigasyon namin." Pakiusap ng pulis kay Albie. Narinig 'yon ni Lenna at wala na siyang nagawa kun'di maghintay, pero hindi pa rin napigilan si Lenna ng kapatid. "Ate sige na, parang awa mo na. Mag-palakas ka na muna, wala rin tayong magagawa sa ngayon kun'di ang maghintay!" "Hayaan mo na ako Albie dahil 'di rin naman ako nito mapanatag kung nasa bahay lamang ako." Pumupunta pa rin siya sa presinto 3 beses sa isang linggo kahit wala pa ring kasagutan kung nasaan ang anak. Hanggang isang araw, 'di niya kasama ang kapatid dahil kailangan na ito sa opisina. Nasa harap siya ng pulis nang napansin niya ang mga bulto bultong files ng mga kaso sa ibabaw ng desk nito. Mga nawawalang tao, bata, babae at kung ano-ano pa at 'yon ay dumadami pa. Ang kaso ng kan'yang anak ay natabunan na. Tumakbo siya sa labas ng presinto, malungkot ito na umiiyak habang nakatingala sa langit. "Promise ko anak, hindi kita susukuan nasa'n ka man. Mahahanap rin kita, hintayin mo ang araw na 'yon!" umiiyak na sinambit ni Lenna ang mga katagang iyon kagaya ng mga pangakong binitiwan niya sa mga magulang noon. Nang araw na 'yon nagpunta siya sa sementeryo. Madalas siya magpunta dito lalo na 'pag gusto niya nang kausap. Para siyang bata na umupo at saka nagsusumbong . "Inay, Itay tulungan ninyo naman ako kausapin ninyo si Lord para mahanap na ang anak ko, miss na miss ko na siya!" umiyak siya sa puntod ng kan'yang mga magulang "Ano ang aking sasabihin kay Dane 'pag nalaman niya na ang anak namin ay nawala!" bulong pa niya sa sarili. "Lord bakit ganito? Naging mabait akong anak at kapatid. Wala akong naapakan na tao at kahit kailan tumutulong ako sa abot nang kaya ko pero bakit ganito ang nangyari?" sigaw nito sa langit na naghihinagpis. Nasabunutan niya ang kan'yang sarili, gusto niyang iuntog ang ulo sa semento sa galit, sa lungkot, sa takot para sa anak na nawawala. Kahit kailan 'di pa siya pinaghinaan ng loob pero sa pag-kakataong iyon wala na siyang lakas para lumaban. Talong talo na siya at 'di na niya alam kung paano pa siya makakabawi. Litong lito na at para siyang upos na kahit na anong oras ay madadala sa ihip ng hangin. Ilan pang linggo ang dumaan at wala pa rin silang balita. Si Lenna ay malaki na rin ang binagsak ng katawan. Humingi muna siya ng ilang araw na pahinga sa kan'yang eskuwelahan at trabaho. Sila Albie at Emma naman ay pansamantala munang doon na tumutuloy kasama si Lenna. "Ate malaki na ang ibinagsak ng 'yong katawan. Sana ay tulungan mo naman ang sarili mo. Ano ang puwede kong gawin para 'di ka na malungkot dahil ako man ay nalulungkot rin?" "Pasensiya ka na Albie dahil wala na akong gana pang mabuhay kun'di makikita ang aking anak!!" umiyak ito na bulong ni Lenna sa kapatid. Wala na siyang lakas at kaunti na lamang talaga ay bibigay na ang katawang lupa niya. "Ate, gusto mo sabay na tayo? kasalanan ko rin dahil iniwan kita kahit alam ko na walang lalaki na magtatanggol sa 'yo at poprotekta mula nang iwan ka ng hayup na si Dane!" Humagulgol si Albie dahil siya man ay nakaramdam nang bigat sa kan'yang konsens'ya. Bigla natahimik si Lenna at tumingin sa kapatid. Payat na rin ito at katulad niya na malungkot din. Niyakap niya ang kapatid at saka niya pinunasan ang pisngi nito na panay luha. "Sorry bunso at ako ay naging makasarili. Hindi ko man lamang naisip ang 'yong nararamdaman. Winalang bahala kita, akala ko ako lamang dito ang siyang nasasaktan. 'Di ko na inisip nandiyan ka pala at nangungulila rin!" hawak niya ang kamay ni Albie at hinalikan sa noo ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD