Sa isang malaking hospital sa London, may isang lalaking nakahiga sa kama. Nagmulat ito ng mga mata, si Dane ang lalaking 'yon at kagigising lang nito matapos na siya ay ma-comatose.
Tumawag kaagad ng doktor ang ama ni Dane. Pinuntahan kaagad ang binata ng mga doktor at sinuri.
Matapos ang aksidente nang pagkabangga niya. Ilang buwan na wala siyang malay at nang magising ito ay wala itong maalala kung hindi ang kan'yang ama lamang.
Walang nakakaalam sa mga nangyari sa kan'ya. Dahil pina-block ng ama niya ang mga pangyayari kahit nga ang kanilang mga kasambahay, driver, at mga bodyguard ay pinagbawalan nito.
'Pag may lumabas na balita tungkol sa aksidente, sila at pamilya nito ay mananagot sa ama ni Dane
Ayaw nitong malaman ng mga kalaban nila sa negosyo ang mga nangyari kay Dane at baka ito ay gamiting panlaban sa negosyo nila.
"Papa, sino ang babaeng 'yan?" tanong ni Dane sa ama.
Kinuwento ng ama kung paano dumating si Vera doon. Dalawang araw matapos na maaksidente si Dane, may dumating na babae maganda ang mukha, makinis ang kutis at para itong may lahing banyaga.
May kalusugan nga lamang ito at mayroon itong malapad na balakang at pisngi na akala mo ay may nginuyang kendi.
"Ako si Vera Lance, kilala ko po ang anak ninyo at ako po ang girlfriend niya. Kami po ay nag-uusap noon sa phone nang biglang naputol at mayroon ako narinig na isang bagay na parang nabangga kaya ko naisip na maaring naaksidente siya. Hinanap ko kaagad ang pangalan niya sa mga ospital at saka ko nga siya natagpuan dito." Sambit ng ama ni Dane kung paano sinabi ni Vera ito.
"Nagpakita si Vera ng mga picture ninyong dalawa. May nag-yayakapan at ang iba ay picture na nasa kama kayo na nag-hahalikan." Wika pa ng papa ni Dane.
"May mga kasama pa siyang mga kaibigan raw ninyo na talagang magpapatunay na tunay mo nga siya girlfriend, Dane." Dagdag na kuwento pa ng don. "Wala akong masabi noon kung hindi hintayin na lamang na ikaw ay magising,"
"Dahil doon ay hinayaan ko siyang manatili sa tabi mo at inalagaan ka niya nang maayos sa loob ng walong buwan."
"Pero wala akong maalala na kilala ko siya!" saad ni Dane na hindi maipinta ang mukha.
"Anak hindi ka niya aalagaan nang walang bayad kung hindi totoo ang mga sinasabi niya!"
"Mayroon ba siyang hiniling sa inyo?" pagtatanong nito sa ama.
"Ang gusto lang niya ay ang matupad ang pangako mo na pakakasalan siya."
"Wala talaga akong maalaala na gano'n, papa!"
"Kailangang tuparin mo kung ano ang pinangako mo sa kan'ya at kapag ikaw ay lumakas na, saka kayo magpapakasal ni Vera!" madiing turan pa ng ama kay Dane.
Makalipas ang isang buwan at medyo malakas na ang anak kaya niya napagpasiyahan na ianounce ang engagement ni Dane at Vera at 'YON ANG NABASA NI LENNA.
'Di pa rin mapalagay si Dane parang tingin niya ay may mali dito sa engagement nila ni Vera. Parang mabigat ang dibdib niya sa pasya ng ama.
Pero dahil sa malaki ang utang na loob niya dito at ito ang nag-alaga sa kan'ya sa ospital ng halos ilang buwan na walang malay ay wala siyang magawa.
"Papa mas mabuti yatang 'pag nakaalala na ako saka na kami ni Vera magpakasal. Okey lang na maengage ako sa kan'ya pero ang makasal sa kan'ya ay tutol ako!" sambit ni Dane.
"Anak kung 'yan ang pasya mo ay payag ako pero isipin mo kung ano na lang ang iisipin ng mga in laws mo 'pag kanila nalaman na para mo nang tinatanggi si Vera."
Narinig ni Vera ang usapan ng mag-ama dahil naiwan nito ang pintuan ng kuwarto na nakabukas nang kaunti.
Napangiti si Vera sa narinig "Akala mo makakaligtas ka sa akin, sa ayaw o sa gusto mo sa akin ka pa rin pakakasal!" ang mahina niyang usal sa sarili.
Kinabukasan nagpaalam siya sa ama ni Dane na si Don Lucio na uuwi ng Pilipinas. Si Don Lucio, may idad na rin ito mga nasa 59-62 years old na siguro pero makikita pa rin ang bakas nang kakisigan nito noong kabataan niya.
Katulad ni Dane matangkad din ito na binagayan ng slim na pangangatawan. May puting buhok na at ang mga gatla sa mata nito ay nakikita na ring unti-unti.
Sa unang kita ay matatakot ka dito pero mabait ang don at tahimik lamang talaga. 'Di lamang ito masalita, prangka rin ito kung maki-pag usap.
"Pasensiya ka na sa sinabi ng anak ko, sa pag urong nito sa petsa ng inyong kasal. Alam ko na naintindihan mo."
"Huwag po kayong mag-alala dahil pagbabalik ko tiyak na magbabago ang pasya niya!"
"Ano ang ibig mong sabihin Vera?" lumukob sa don ang isang hindi nais na sitwasyon na maari ikaipit ng anak na si Dane.
"Wala po 'yon papa, 'wag na ninyo isipin ang sinabi ko."
May pangamba sa dibdib ng don dahil nakita niya kung paano ito tumingin kay Dane. Para itong Leon na kulang na lamang lapain ang kan'yang bihag.
Tumalikod na ang don na mayroon pa rin agam-agam sa dibdib. Si Vera ay nagtungo na sa kan'yang kuwarto.
Kinuha ang maleta at nilagyan nang kaunting mga damit at iba pang dadalhin. Nasa isip niya na mga tatlo hanggang apat na araw lamang siya sa Pilipinas.
Tumawag siya sa kakilala niya sa airlines para naman mag-pabook ng ticket. Pagkatapos pinuntahan si Dane para mag-paalam dito.
"Dane, uuwi ako sa Pilipinas. Baka may gusto kang pabili o pasalubong galing doon?" ani Vera na nakangiti at lumapit sa binata.
Hinawakan ni Vera si Dane pero tinabig siya ng binata saka lumayo nang ilang mga hakbang sa babae.
"Wala akong gusto at puwede ba hindi mo naman kailangan na mag-paalam sa akin dahil sa malaya kang maka-aalis dito!"
"Aray, ang sakit mo naman yata na magsalita. Nobya mo ako at dapat lamang na ipaalam ko sa 'yo ang mga gagawin ko at pupuntahan!" naiinis nito na pahayag kay Dane.
"0o na, sige at umalis ka na rito sa harap ko! Gusto ko nang mag pahinga at inaantok na ako."
"Maaga ang alis ko bukas at 'di na kita gigisingin kaya nga ngayon ako nagpaalam sa 'yo." Saka tumalikod at 'di na hinintay pa ang sagot ng binata.
Sinimangutan ni Dane si Vera at ito ay pinagsarhan ng pinto. Maya maya ay naisip ni Dane ang pupuntahan ni Vera.
Para bang kumirot ang puso niya nang maisip ang bansa na ito. Hindi niya maalala na may kakilala siya sa bansang ito pero parang nalungkot siya.
"Sino ba ang nasa Pilipinas at para ko ring gusto na pumunta doon?" tanong nito pabulong sa sarili.
Nang gabi na 'yon ay hindi alam ng binata bakit 'di siya mapalagay. Nasa isip niya ang Pilipinas at bakit ginugulo nito ang isip niya.
Lumabas siya at pumunta sa may mini bar. Alas dos na ng madaling araw at tulog na ang lahat.
Dala niya ang kopita na may alak. Umiinom siya nang tahimik ng mayroon humawak sa mga balikat niya. Ang ama pala niya at nakangiti ito.
"Bakit hindi ka pa natutulog sa oras na ito?" tanong nito sa binata.
"Hindi ako makatulog, lagi na lamang pumapasok sa isip ko ang Pilipinas. Mayroon ba akong mga naiwan sa bansa na 'yon?"
"Hindi ko rin alam anak pero may kumpanya ka roon at ito ay iniwan mo sa isang tao na iyong pinagkatiwalaan," anas ng ama ni Dane.
"Bakit anak may naaalala ka na ba?" dagdag pa nitong tanong kay Dane.
"Wala pa papa, pero 'di ko alam kung bakit para akong bigla naguluhan at 'yon ay pagkatapos na marinig ang sinabi ni Vera na uuwi siya ng Pilipinas!"
"Huwag mo pilitin ang 'yong sarili, unti-unti rin daw babalik ang memorya mo sa takdang panahon. Hindi pa nga lang siguro ngayon," alo nito kay Dane na nakakunot ang noo sa sobrang pag-iisip.
"Siguro nga 'di pa ito ang oras kaya wala pa rin ako na maalala kahit ano." Saad nito na malungkot at para talaga nalugi ng bilyon.
"Matulog ka na anak. Masama sa kalagayan mo ang 'yong pag-inom ng alak!"
"Kaunti lamang ito papa, para ako ay makatulog," sabi pa ni Dane.
Tumingin ang binata sa ama at nagtanong "Bakit daw pupunta si Vera sa Pilipinas?"
"Hindi ko alam dahil wala na siyang magulang doon. Patay na ang ina niyang pinay at ang ama namang briton ay narito sa London kasama ang tunay na asawa,"
"Paano siya napunta dito sa London?" tanong muli ni Dane.
"Ang kuwento niya sa akin ay pinahanap siya ng tatay niya nang malaman nito na namatay ang nanay niya kaso inabot yata ng limang taon bago siya nahanap nito sa isang orphanage sa Pilipinas." Saad ng ama ni Dane.
"Malungkot din pala ang naging buhay niya roon. Sana nga po ay maka-alala na ako para matahimik na ang utak ko. Sige po papa, matulog na ako."
Pumasok na si Dane sa kan'yang kuwarto at naiwan niya ang ama sa beranda. 'Di sinabi nito kay Dane ang mga sinabi ng driver nito na may babae na nililigawan ito sa Pilipinas.
Alam niya na playboy ang anak at buwan buwan ay iba iba ang babae na kasama nito kaya 'di na niya pinag-tanong kung sino ito.
Nagkibit balikat na lamang ang matanda at bumalik na rin sa kan'yang kuwarto para siya ay makapagpahinga na rin.
Maaga pa ay umalis na si Vera na may ngiti sa mga labi. Para siyang sabik na sabik sa hindi malamang dahilan.