Nabigla ang kapatid kong si Albie sa aking pinagtapat. 'Di ko kasi nasabi sa kan'ya 'yon.
"Kailan pa ate, bakit 'di mo sinabi sa akin?" galit na sabi niya.
"Ayaw ko kasing abalahin ka!" sabay tulo ng luha ni Lenna.
Lumabas si Albie ng kuwarto at may tatawagan daw siya, nang pumasok sinabi niyang 'di rin niya matawagan si Dane at laging operator ang sumasagot.
"Huwag kang mag-alala ate, kaya natin 'to siguro nga ay nagbago na ang isip niya," ani Albie na bumuntong hininga saka siya nagsalitang muli.
"Hindi natin siya kailangan tutal ay gagraduate na ako at may naghihintay sa akin na trabaho kaya huwag ka nang mag-aalala, ating palalakihin ang bata kahit wala pa siya." Sabay hawak sa kamay ko ng aking kapatid na si Albie
Dumaan ang mga araw at halata na ang aking tiyan. Binitawan ko na rin ang aking pagtitinda sa palengke at baka madulas daw ako ang sabi ni Albie.
Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagpapart time pero work at home na lang daw muna ako habang buntis pa at 'di pa nanganganak ang sabi pa ng boss ko sa call center.
Nakatapos na rin si Albie at ngayon ay nagtatrabaho na siya sa kumpanya na kung saan din pumapasok ang daddy ni Emma, ang girlfriend niya.
Napagpasiyahan ni Albie at Emma na magpakasal na lamang muna sa Huwes. 'Di na ako tumutol dahil ito ay matagal ko na namang alam at tanggap si Emma bilang hipag.
Nakatira sila Albie sa bahay nila Emma dahil ipadala ang ama nito sa Amerika kaya walang tatao sa bahay nila pero tuwing sabado at linggo ay nasa bahay namin sila.
Sinabi ko kay Albie na ako ay magpapatuloy na sa aking pag-aaral habang hindi pa gaanong malaki ang aking tiyan at hanggang kaya ko pa ang mag-biyahe papunta sa aking eskuwelahan.
Isang gabi na kausap ko ang aking kapatid "Sorry nga pala dahil galit na galit ako noon nang akin malaman na ikaw ay mayroon ng nobya tapos ako naman pala ito na siyang nag-pabuntis nang hindi pa kasal!"
"Ate, 'di ako galit sa 'yo. 'Di mo naman kasalanan na nabuntis ka at lalo ng hindi mo rin na kasalanan ikaw ay iniwan ni Dane."
Niyakap ako ni Albie, napaiyak na naman ako dahil nahihiya ako sa kaniya. Paano pa kaya kung buhay ang aming mga magulang?
Siguro baka naisipan ko nang magpakalayo-layo dahil 'di ko yata kaya na makita na sila ay masaktan at umiyak nang dahil sa akin.
Ganoon pa man ay hindi ako nagsisisi dahil minahal ko si Dane at walang rin kasalanan ang bata na aking dinadala sa ngayon bagkus siya ang sa akin nagbigay nang lakas at pag-asa sa buhay.
Walang araw na hindi ko naiisip si Dane, kung minsan naiiyak ako habang tumitipa sa laptop na bigay niya bago ito ay umalis. Limang buwan na ang aking dinadala at gan'on na ring katagal na 'di ko siya nakikita.
"Walang hiya ka! Ang duwag mo at hindi mo man lamang binigyan ng closure ang ating relasyon, hindi na sana ako sa 'yo nag-aalala." Saad ni Lenna na masama pa rin ang loob dito habang siya naman ay nakatingin pa rin sa laptop na para bang mayroon itong hinahanap.
Isang tawag ni Dane nang paalam, iyon siguro ang hinihintay niya para makapag move on na siya sa buhay.
Hawak niya ang mga larawan na kuha nilang dalawa sa may Tagaytay kaya na naman ang mga luha nito ay tumulo sa magkabilang pisngi.
"Miss na miss kita mahal, nasaan ka na nga ba? Uwi ka na, hinihintay ka na ni baby. Alam mo lalaki ang unang anak natin!" sabay na haplos muli sa aking tiyan, mayroon naiwan si Dane sa akin na mahalagang alaala at sapat na sa akin 'yon.
Nagpatuloy ako sa aking pag aaral at dahil sa matalino ako ay nakapasa ako sa exam na binigay ng dean para ako ay maka graduate nang maaga sa kurso na Psychology.
Nagpatuloy ang malungkot kong buhay. Aral at trabaho lamang ang gawa ko sa araw araw pero 'di ko kinalimutan na alagaan ang sarili ko at ang magiging anak ko.
Kabuwanan ko na, isang araw wala akong magawa kaya lumabas ako at nang may nakita akong batang naglalaro sa tapat ng bahay ay tinawag ko ito.
"Bata, bata puwede mo ba akong ibili ng diyaryo sa may kanto?" hawak ko ang pera na binigay sa bata.
"Sige po, hintayin na lang po ninyo ako." Ang sabi ng bata.
Sandali lang at bumalik din ang bata kaagad at binigay ang diyaryo, sinabi kong sa kan'ya na lang ang sukli at tuwang-tuwa itong tumakbo na sa may tindahan.
Umakyat ako ng bahay at umupo sa sofa, pagbukas ko ng diyaryo ay nabigla ako sa aking mga nabasa.
Kagabi ang engagement party ni Dane sa isang Vera Lance at dalawang buwan mula ngayon ay gaganapin ang kasal nila.
Napaiyak ako at nasira ko ang diyaryo sa galit, nagpupuyos ang kalooban ko kung bakit nagawa ni Dane sa akin 'yon.
"Aray, ang tiyan ko, Albie!"
biglang sumakit ang tiyan ko at naramdaman kong basa na pala ang aking inaapakan at pumutok na pala ang aking panubigan.
Buti na lang at weekend kaya naro'n si Albie at ang asawa nito, kaya nadala nila ako sa hospital kaagad.
Siguro dahil sa tindi ng galit at sa pagkabigla kaya ako ay napaanak. Dahil alaga ko naman sa check-up ang baby ko kaya normal ko siyang nailabas.
Nasa loob na ako ng ward nang magising. Una kong nakita si Albie na natutuwa habang karga ang aking baby.
Sumunod kong namataan ay si Emma na ngayon ay naghahanda na ng pagkain sa mesa na nasa gilid ng kama ko.
Lumapit ang kapatid kong lalaki nang makita niyang nakadilat na ako. Nilagay niya sa tabi ko ang bata.
"Salamat at okey ka na. Lalaki ang anak mo, ate. Ang lusog niya at ang guwapo, ano ba ang gusto mong ibigay na pangalan sa kan'ya?" ani Albie na malaki ang ngiti.
"Siya si Alwine Ramirez Sandoval, welcome anak!" sinunod ko siya sa apelyido ko at 'di ko nilagay ang pangalan ni Dane bilang ama niya.
"Simula ngayon kalilimutan ko na si Dane at mamumuhay tayo nang hindi kasama ang ama mo." Sabi ni Lenna sa anak na hawak ang maliit na kamay.
"Huwag kang mag-alala ate, narito lang kami ni Emma na handa sa 'yo tumulong ano mang oras."
"Salamat bunso, pasensiya ka na lamang muna pero kapag ako ay nakatapos na, ibalik ko ang mga nagastos ninyo," ani Lenna sa kapatid.
"Ate 'di ka iba sa akin, dahil tayo ay magkapatid. Ano man ang 'yong pinagdadaanan ngayon ay karamay mo kami!"
"Salamat muli at sana nariyan ka palagi, kapatid ko. Sorry bunso, kasi naging pabigat pa ako ngayon sa 'yo!" naiiyak na bigkas ni Lenna.
"Ate, sino pa ba ang tutulong sa 'yo? 'Wag mong isipin na ikaw ay pabigat sa amin!"
Nakatingin si Lenna kay Albie. Malaki na rin ang pinag-bago nito mula nang sila ay makasal ni Emma.
Husto at matatag na ang pag iisip ng kapatid at natutuwa si Lenna dahil puwede na itong mabuhay na mag-isa.
"Puro salamat na lang ang aking narinig sa yo', tama na yan. Ano nga pala ang plano mo ngayong nanganak ka na, ate?"
"Hindi ko pa alam bunso kasi magulo pa ang isip ko ngayon at 'di ko pa talaga alam kung ano ba ang dapat gawin!"
Pagkauwi ni Lenna, ginamit nito ang maternity leave para palakasin ang katawan at nang makapag-isip siya nang maayos.
Ilang araw siyang tahimik lang at 'di rin lumalabas ng bahay. Ang kapatid niyang si Albie ay palagi rin na naka-alalay sa kan'ya.
Hanggang isang araw, nasa harap niya ang kapatid at sinabi niya rito ang kan'yang pasya.
Sinabi niya na ipagpatuloy niyang muli ang kan'yang pag-aaral dahil gusto niyang maging doktor.
"Alam ko na sasabihin mo 'yan sa akin dahil noon pang bata tayo ay 'yon na ang pangarap mo!" natutuwang saad ni Albie sa kapatid.
Kumuha ng yaya para sa anak niya si Albie nang sa gan'on daw ay may nagbabantay sa kan'yang anak 'pag siya ay pumapasok sa eskuwelahan.
Suwerte siguro ang baby niya dahil naging regular si Albie sa kan'yang trabaho at dahil doon ay tumaas din ang sahod nito.
Si Lenna naman ay tinulungan ni Dean Ramos para ito ay makakuha ng scholarship. Sa kagustuhan nito na siya ay magpatuloy para maging doktor sa hinaharap.
Kausap niya si Dean Ramos sa opisina nito nang hawakan ang kamay ni Lenna at ito ay humingi nang paumanhin dito.
"Hiyang-hiya ako sa ginawa ng pamangkin ko pero wala akong alam kung ano na ba ang nangyayari sa kan'ya. Hindi naman ako sinasagot ng brother in law ko 'pag ako ay nagtatanong nang tungkol kay Dane." Paliwanag nito na nalulungkot para sa dalaga.
"Talaga ho siguro hanggang doon na lamang kami." Bigkas ni Lenna nang tapat kay Dean Ramos.
Mabait sa kan'ya si Dean Ramos kahit noong pa na siya ay nag-aaral sa paaralan kung saan ito ang dean.
Hindi pa naman ito gaano matanda. Si Dean Ramos ay nasa sin-kuwenta ang idad at may isang anak na lalaki.
Patay na ang asawa nito at tatlong taon na itong biyuda. kahit naman mag-isa lamang si dean ay 'di naman ito hirap dahil malaki ang yaman na naiwan sa kan'ya ng asawa.
Kahit may idad na ito ay maganda pa rin dahil alaga nito ang kan'yang kutis. 'Di naman niya pinabayaan ang kan'yang katawan dahil slim pa rin ito.
Nakapasok si Lenna sa may Unibersidad ng Pilipinas. Sa unang araw niya ay parang nahirapan siya dahil lagi niyang naiisip ang naiwan sa bahay na anak.
Pag-uwi niya ng bahay ay kaagad siyang nag-aalkohol para mahawakan at kan'ya mahalikan ang anak.
"Ate nariyan ka na pala. Kami rin ni Emma ay kararating lamang din. Kumusta naman ang iyong pag-aaral?" tanong ng kapatid niyang lalaki.
"Okay naman kaya nga lang namiss ko agad ang anak ko."
"Ate, 'wag kang mag-alala dahil 'di naman pababayaan ni Yaya Ruth ang anak mo," ani Albie sa kapatid na nag aalala.
Si Ruth ang nakuha ni Albie na yaya ni Alwine. Halos kasing idad ko siya at magaan ang loob ko kaagad sa kan'ya.
Mahirap lamang din sila kaya ito ay namasukan dito sa Manila. Ang mga magulang nito ay nasa probinsiya.
"Oo nga po ate, wala po kayo dapat problemahin dahil 'di ko pababayaan ang baby ninyo."
"Alam ko naman 'yon, nakikita ko kung paano mo alagaan ang anak ko. Pero hindi mo ma-aalis sa akin na mag alala dahil nanay ako!" banggit ko sa yaya ng aking anak.
Lumapit ako kay Alwine at saka ko ito hinalikan. Proud ako at may baby ako na cute at ito ay kasing guwapo ng ama niya.
Nalungkot na naman ako nang maalala ang unang lalaki na aking minahal at siyang pinag-alayan ng aking tiwala at mga pangarap.
"Akala ko ba ay kalilimutan na natin siya? Ano na naman ang mukha mong 'yan?"
"Albie, hindi ko siya iniisip. 'Di ko kasi alam kung mabigyan ko ba nang isang magandang buhay ang guwapo kong anak," anas ko na umiiwas na ako ay matanong pa ni bunso.
"Kakayanin nating bigyan siya nang magandang buhay, ate! Magtiwala ka lamang sa sarili mo at lahat magagawa natin na magkasama."