"Nakahubad ka at ako, ano ba ang ginawa natin?" sabay na tutop nito sa mukha niya na namumula. “s**t! Ba-bakit?” tapos hinatak ni Lenna ang kumot para itakip sa katawan dahil hiyang-hiya na siya.
Humiga muli ito at itinakip ang kumot hanggang sa ulo. Lumapit si Dane at niyakap si Lenna habang nakatakip ng kumot tapos saka hinalikan sa noo ang dalaga.
Tatawa-tawang hinatak ang kumot nakatitig sa dalaga at sabay sabing "Hindi mo ba naalala nang binaba kita dito, ay hinahalikan mo ako. Hindi ka na tumigil hanggang tinanong kita kung sure ka sa mga ginagawa mo? Tumango ka sa akin, dahil mahal kita talaga kaya hindi na ako nakapagpigil pa," bulong niya sa tainga ng dalaga.
Napabangon ang dalaga at binato si Dane ng unan. Galit pa rin ito na hinarap ang binata kahit pa siya ay hiyang-hiya na.
"Walanghiya! Ang galing mo rin namang tsumempo, ano! Humingi ka pa nang permiso sa lasing. Ano isasagot ko 'di oo, may matino bang isip sa tao na lasing!" galit niyang sagot kay Dane na 'di pa rin niya ito tinitingnan.
"Huwag ka nang magalit, lasing din kasi ako. Kung gusto mo pakasal na tayo ngayon din!" ngiting aso ang tingin niya sa mga ngiti ni Dane.
"Plano mo na talaga 'to ano?" galit pa ring sigaw nito kay Dane.
"Hindi naman mahal, talagang nangyari na lang. Nakainom din ako kaya humina kontrol ko sa sarili tapos 'di na kita matanggihan kasi naman ang sarap mong humalik kahit na halatang first time mo, sige na 'di naman kita iiwan. I Love you!"
Nahiya tuloy ako sa mga binanggit niya dahil first time ko talaga na ginawa 'yong humalik sa lalaki at 'di ko akalain na magagawa ko.
"Halika na, 'wag ka nang magalit sa akin. Pananagutan ko naman ang mga ginawa ko sa iyo," sabay halik nito sa noo ng dalaga.
"Tumayo ka na at magbihis na para makakain na tayo dahil sa naghihintay na kapatid mo sa atin." dagdag pa na sabi ni Dane kay Lenna.
Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto hudyat para magmadali na ako nang pagpunta sa may banyo. Pero ako ay natigil at paika-ika na naglakad dahil parang bang may nakapasak na bilog sa aking kepyas..
"Naku Malenna ano tong ginawa mo? masasabunot talaga kita!" hindi pa rin siya makapaniwalang magagawa niya ang ganoong kapusukan.
Inalala niya ang mga pangyayari ng gabing 'yon at kahit anong isip pa niya ay parang siya ang talagang lumabas na nang akit kay Dane para ito ay hindi makapagpigil.
"Sino nga bang lalaki ang tatanggi kung palay na ang lumalapit?" bulalas ni Lenna sa sarili.
Pagkabihis ay bumaba na ang dalaga at binati pa siya ng dalawang lalaki nang good morning pero 'di ito sumagot sa kanila kung maaari nga lang lumubog na siya sa kan'yang puwesto dahil sa hiya.
Nag-umpisa na itong kumain panay ang lagay ni Dane sa plato niya pero 'di siya rito tumitingin o umiimik at siya ay nakayuko lamang.
Maya-maya tumayo si Albie at mauuna na raw muna siya. Niyaya naman siya ni Dane na mag-swimming sa pool at pumayag si Albie.
Umakyat ito ng kuwarto para mag bihis ng pampaligo. Naiwan si Dane at Lenna, nakita niyang lumapit ito at hinapit ang baywang ng dalaga.
"Huwag ka nang magalit kay Albie, malungkot siya kanina dahil alam niyang nasasaktan ka. Mahal ka ng kapatid mo walang masama sa ginawa niya." Sabi pa ni Dane na parang ito ang nalungkot sa mga nangyayari sa magkapatid.
"Dapat matuwa ka pa kasi kahit na nagka-girlfriend siya hindi naman niya pinabayaan ang pag-aaral niya. Nag promise rin ba ang kapatid mo ng ikaw ay nangako sa inyong mga magulang?" dagdag sa kan'ya ng binata.
Tumingin ako kay Dane, wala nga pinangako si Albie. Sinabi lang niya sa akin na siya ay mag-aaral nang mabuti para kapag grumaduate siya ay ako naman ang tutulungan niya para makatapos din. Ako ang siyang nangako sa mga magulang namin at hindi si Albie.
Tumingin si Lenna kay Dane pero nang mapansin niya kung saan ang mga kamay nito ngayon nakahawak ay bigla na lamang nagpanting ang mga tainga ng dalaga.
"Akala mo nakalimutan ko na ginawa mo sa akin, kun'wari ka pang concern sa kapatid ko sa iba ka naman pala diyan nakahawak. Maniac ka talaga, bastos! alisin mo sa hita ko ang kamay mo!!" pero tatawa lamang si Dane na tumayo at tumakbong umakyat sa itaas.
Hahabulin sana ito ni Lenna saka hahampasin niya ng sandok pero ito ay hinayaan na lamang niya. Inisip niya ang kapatid na si Albie at ang lahat nang mga sinabi ni Dane sa kan'ya.
Siguro nga tadhana talaga na mag krus ang mga landas nila ng babaeng 'yon. Katulad din nila ni Dane, para mahalin nila ang isa't-isa at para mabigyan sila nang inspirasyon.
Panahon na siguro para niya payagan na si Albie kung ito ay siyang magbibigay ligaya sa kapatid. Sino naman siya para husgahan at paglayuin sila. Kaya nagbihis na rin ito nang pampaligo at sumunod na ito sa kanila sa pool.
Masakit pa ang ibaba niya pero ayaw niyang mahalata ito ng kapatid kaya kahit na masakit pa ang kepyas niya ay pilit siyang kumikilos nang normal.
Pagdating ng dalaga roon sa pool, lumapit kaagad si Albie at niyakap ang kapatid na si Lenna. Maiyak-iyak na sinabi nitong "Ate mahal kita pero 'wag mo namang sabihing layuan ko siya!"
"At sinong may sabi sa iyo na kayo ay paglalayuin ko? Payag na ako kaya dapat dalhin mo siya kaagad sa akin, nang makilala na niya ako," saad nito kay Albie na nakangiti na.
Happy na siya para kay Albie. Pauwi na sila nang ito ay humiwalay sa kanila ni Dane. Mayroon daw na pupuntahan ito. Alam ni Lenna na susunduin na ng kapatid ang nobya para mapakilala na siya rito.
Sila na lamang ni Dane ang siyang magkasama, nang nag-park ang binata banda sa may Luneta tapos tumabi siya kay Lenna hawak ang mga kamay nito. Lumapit ang binata at mayroon kinuha ito sa may bulsa.
Binuksan niya ang isang maliit na kahon at kinuha ang isang singsing na may bato sa gitna at alam niya na ito ay diyamante, may mga heart shape sa gilid na may maliliit din na bato ang umagaw sa kan'yang pansin.
"Len, puwede na ba nating ilevel-up ang ating relasyon sa pagiging special friend to my official girlfriend?" sabi ni Dane sa dalaga.
Wala itong pagsidlan sa tuwa nang sinabi ito ni Dane, ang tanging nagawa lamang ay tumango at isinuot niya kay Lenna ang singsing sabay nitong yakap at humarap sa dalaga.
"Ngayon ako naman ang siya mangangako sa iyo. "Ako si Dane Garcia ay wala ng iba pang mamahalin kung 'di si Ms. Melenna Sandoval lamang ngayon, bukas at habang ako ay nabubuhay. Ikaw lang ang babaeng siya kong ihaharap sa dambana, upang maging asawa ko at maging ina ng aking mga anak. Hindi kita paiiyakin o sasaktan kahit na kailan at 'pag nangyari 'yon paalala mo sa akin ang mga pangako kong ito at ako ay pabugbog mo kay Albie ng sa ganoon ako ay matauhan."
Mga mata na nangungusap ang aking sinalubong at ako ay para nang lumilipad sa may alapaap. Hawak pa ni Dane ang aking kamay na lumisan sa lugar na 'yon na kap'wa masaya.
Pag- uwi namin ng bahay may mga lalaking may bitbit na mga kahon ang sa amin ay naghihintay sa labas ng bahay.
Sabi ni Dane ito raw ay ang computer na pinangako niya kay Albie para 'di mahirapan pa ito sa paggawa niya ng thesis.
Pina- assemble na ni Dane ito nang 'di na raw kami pa mahihirapan. May sarili na rin itong computer table. May nakita rin akong laptop para naman daw sa akin.
Dumating si Albie kasama na si Emma ang girlfriend niya at pinakilala ito sa kapatid. May natural na ganda at mukhang mabait ito.
"Ate si Emma, ang girlfriend ko!" may mga ngiti sa labi na sabi ni Albie.
Classmate pala sila at sa unang pagkikita pa lang daw nila ay iba na kaagad ang kan'yang naramdaman sa dalaga.
Masaya ang kapatid ko at walang duda siguro talagang kailangan ko nang ibigay ang blessing ko sa kanila.
Masaya kaming apat at hindi ko na mapigilan maluha. Naalala ko kasi nang bata pa si Albie, ito ay makulit at suplado, at ayaw nito na magpahalik dahil big boy na raw siya at bawal 'yon.
"Parang kailan lamang 'yon at ngayon ay binata na si Albie, may may-ari na sa puso nito." Sa isip ni Lenna. Siya ay nalulungkot kasi isang araw lalayo na ang kapatid at ito ay gagawa ng sarili niyang pamilya.
Naramdaman ni Dane ang lungkot ko at pinisil niya ang aking kamay "Huwag ka nang malungkot, nandito naman ako," saka ako hinalikan niya sa noo.
Kinabukasan tumawag si Dane at sinabing napa-aga ang pag alis niya papunta ng London at hindi na niya pa magagawa na magpunta at mag-paalam sa akin.
Tatawag na lang daw siya pagdating niya roon. Pasakay na raw siya ng eroplano. Bago binaba ni Dane ang telepono ay sinabi nito na sa kan'yang pagbabalik ay magpapakasal na kami.
"I love you Len, mag-ingat ka palagi!" mangiyak-ngiyak na sabi ng binata kay Lenna.
"Ikaw din mahal kita at palagi akong maghihintay nang tawag mo, ingat ka rin!" sagot ng dalaga at humalik dito na parang kaharap niya si Dane.
Binaba na nito ang phone bago pa mahalata nitong umiiyak na ko. First time namin itong mag-kakalayo.
Ewan ko kung bakit para ako kinakabahan sa pag-alis niya. Araw-araw mula ng siya ay umalis tumatawag si Dane sa akin para ako ay paalahanan na mahal niya ako at para kumustahin kami ni Albie.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan inabala ko ang aking sarili sa trabaho para 'di ko siya gaano maisip.
Minsan tumatawag si Mina at hindi ko na pala namamalayan ang oras, hanggang isang araw napansin kong parang hindi na tumawag si Dane.
Naghintay ako pero inabot na ng dalawang linggo 'di pa rin tumatawag si Dane kaya ako ay nag-alala na.
Ayaw kong abalahin si Albie dahil kasagsagan ng thesis nila kaya minabuti kong ako na lang magtanong sa opisina nila Dane.
Wala rin akong nalaman sa assistant ni Dane na aking pinag-tanungan kahit na sa driver ni Dane na lagi niyang pinapasama sa amin sa may palengke.
Nasa London daw si Dane at wala silang alam kung ano na ang nangyayari dito. Wala na akong kilala na malalapitan para aking malaman kung ano at nasaan na si Dane.
Parang may pinagtatakpan sila na 'di ko mawari kung ano, kaya ako ay kinakabahan at nag- aalala na para kay Dane.
'Di na tuloy ako makatulog at makakain nang tama, hanggang sa isang araw nahimatay ako kaya dinala ako ni Albie sa hospital.
"Wala ho kayong dapat pag-alala, medyo na stress lang at napagod ng husto ang kapatid ninyo. Mabuti naman ang kalagayan ng bata sa sinapupunan niya. Kaya nga ipapasa ko ang case niya sa aming OB-gyne doctor. Nang matingnan siya at mabigyan kayo nang kaukulang mga paliwanag, maturuan kayo nito ng mga tama ninyong gagawin," paliwanag ng doctor na tumingin sa akin.
Nabigla man sa pinagtapat ng doctor ay 'di na nagtanong si Albie. 'Di ko akalain na kaagad kaming maka-buo ni Dane.
"Ate sabihin mo na kaagad kay Dane ang kalagayan mo para alam niya," si Albie na nakatingin lang sa akin.
'Di ko na tuloy napigilan pa na 'di umiyak at sabihin sa kan'ya ang tungkol kay Dane. "Ano ang gagawin ko Albie, 'di ko na makontak pa si Dane!"